Ngayong papalapit na ang May qualifiers para sa Pokémon UNITE World Championship, handa na ang Talon Esports na banggain ang matigas na sustain meta na namayagpag noong April qualifiers.

Ang Talon ay isang beteranong Pokémon UNITE team na nakabase sa Pilipinas. Kilala noon bilang Reech Pokémon, ang all-Pinoy squad na ito ay tinatampok ang ilan sa mga pinakatalentadong manlalaro sa Southeast Asia.

Binubuo ang roster nila:

  • Lebron “Lebronne” Mark Bacquian
  • Andrei “DreamT” Lui Mendoza
  • Jan “Jeyti” Tristan Corral
  • Luke “MXI” Lewis Labajo
  • Kim “Kyy” Rey Salazar

Sinusubukan ng Talon Esports ang lahat upang maging handa sila para sa lahat

Kumpletong roster ng Talon Esports Pokémon UNITE
Credit: ©2021 Pokémon. ©1995–2021 Nintendo / Creatures Inc. / GAME FREAK inc. ©2021 Tencent.

Bagamat kinapos ang koponan na makapasok sa regional finals matapos ang fourth-place finish noong April qualifiers, ibinahagi ni MXI na siya at ang kanyang koponan ay masipag na nag-eensayo para masigurong ‘di sila mabibigla.

Pagdating sa praktis, susi para sa Talon ang pagkakaroon ng malalim na kaalaman sa lahat ng Pokémon na pwedeng isabak sa competitive scene.

“Sa scrims at ranked games, gagamitin namin ang lahat ng Pokémon na maaaring gamitin sa tournament play nang sa gayon ay alam namin kung paano sila gamitin at kontrahin.”

Dagdag pa niya, halos lahat ng koponan sa Asia pare-pareho ang playstyle. “Ginagamit pa rin nila ang sustain meta na may dalawang tanks, dalawang supports, at isang hyper carry.”



Pinagpapalagay ni MXI na sustain meta pa rin ang magdodomina sa May qualifiers

Nang tanungin patungkol sa meta, sinabi ni MXI na sa tingin niya ay patuloy pa ring gagamitin ng mga koponan ang sustain meta, maliban na lang kung maglatag ang developers ng malaking patch. Dapat asahan ng fans at competitors ang Slowbro at Trevenant sa torneo sapagkat malaking bahagi sila ng sustain meta.

Ang pangunahing ideya sa likod nito ay madaig ng mga koponan ang kanilang mga kalaban sa team fights gamit ang makunat na komposisyon. Bukod pa sa high-health Defenders, kailangan ng mga koponan na patumbahin ang backline Supporter Pokémon na pinapagana ang kanilang frontline sa pamamagitan ng healing at shielding.

Maraming Attacker at Speedster-type Pokémon ang nalaos dahil ang mga role na ito ay nangangailangan ng kaunting pagkakamali lang, at mas gusto ng mga koponan na labanan ang sustain gamit ang mas matinding sustain.

Pero para sa Talon, kumpyansa sila patungo sa May qualifiers dahil mayroon silang inihanda na ilang malalakas na Pokémon na kayang yanigin ang meta.



Halos ‘di naapektuhan ang sustain meta ng pinakabagong patch

Isang balance update ang inilabas noong May 11, at dala nito ang ilan sa mga inasahan at ‘di inasahang pagbabago sa laro.

Karamihan sa patch ay nakatutok sa pag-buff ng mga Pokémon na halos hindi nagagamit upang magkaroon ng competitive viability at variety. Dahil walang pagbabagong ginawa sa mga bida ng sustain meta, maghihintay pa tayo kung ang mga pagbabagong ginawa ay makakaapekto sa competitive scene sa Asia.

Mapapanood ang qualifiers nang live sa YouTubeFacebook, at Twitch.

Siguruhing sundang ang Twitter account ng Talon Esports para sa mas marami pang update sa kanilang Pokémon UNITE roster.

BASAHIN: Hi5 ang nanaig na kampeon Pokémon UNITE Asia Champions League 2023