Si Phoveus ang pinakabagong fighter hero sa Mobile Legends: Bang Bang.

Bukod sa kanyang matikas na muscles at maangas na itsura, tanyag si Phoveus sa kanyang flail — at ang ngalan ng armas na ito ay Astaros.

Ang specialty ni Phoveus ay ang kaniyang abilidad na mang-habol ng kaniyang mga kalaban, at ang kaniyang ultimate ay literal na God-given skill na ikatutuwa ng mga fighter players.

Passive — Demonic Intuition

Hango sa hero spotlight video ng Moonton, ang weapon ni Phoveus na si Astaros ay may misteryosong kapangyarihan na siya kaya niyang kontrolin. Dagdag pa dito, si Astaros daw ay sensitibo sa fast-moving prey.

Kapag ang kalaban ay gumamit ng blink o ng charge o dash skill sa range ng passive, pinapababa nito ang lahat ng cooldown ng skills ni Phoveus depende sa proportion.


First skill Malefic Terror

Screenshot ni Amanda Tan/One Esports

Hahampasin ni Phoveus ang lupa at papakawalan ang Astaros Dread habang nagbibigay ng magic damage sa mga targets sa area of effect.

Kakalat ang Astaros Dread kapag tumama sa kalabang hero, at nagbibigay kay Phoveus ng shield at pinapataas ang kaniyang movement speed panandalian. Ang skill na ‘to ay nagkakaroon ng isang charge bawat ilang segundo.


Second Skill Astaros Eye

Screenshot ni Amanda Tan/One Esports

Espiya ang Astaros Eye sa mga kalaban, at matapos ang maikling delay, ito’y liliit at hahatakin ang mga kalaban papunta sa gitna nito habang duma-damage.


Ultimate – Demonic Force

Screenshot ni Amanda Tan/One Esports

Mag-iiwan si Astaros ng isang watchful gaze na nakapalibot kay Phoveus. Kapag ito’y nakakita ng kalaban na gumagamit ng blink o charge skills, minamarkahan nito ang mga nasabing hero.

Sa oras na ito, si Phoveus ay may kakayanang instantly mag-blink sa lokasyon ng kalaban para maghatid ng isang matinding hampas, nagdi-deal ng damage sa target at sa area sa palibot nito.

Pag na-activate ang Demonic Force, puwede itong i-cast ng paulit-ulit kapalit ang mana, basta’t may marka na dala ng required conditions.

Tignan ang mga combo ni Phoveus dito: