Makikipag-sanib pwersa ang ONE Esports sa Toyota Motor Asia Pacific (TMAP) para ihandog ang TOYOTA GAZOO Racing (TGR) GT Cup ASIA 2021 para sa pangalawang taon, at ito ay gaganapin sa October 16, 2021.
Panoorin ang lahat ng aksyon sa Twitch, Facebook, YouTube, Twitter, at TikTok channels ng ONE Esports.
Handa na ihandog ng ONE Esports at Toyota Motor Asia Pacific ang susunod na malaking esports racing experience at itipon-tipon ang top Gran Turismo Sports racers ng Asia para lumahok sa isang masayang tournament series.
Ipinapakita ng kompetisyon na ito ang pangako ng parehas na parties na iparanas para sa mga libo-libong motorsports enthusiasts ang thrill ng pag-race ng mga Toyota GR cars sa kanilang iconic racing circuits.
Ang TGR GT Cup Asia 2021 ay isang online na kompetisyon na nagtatampok sa mga pinakamabilis at pinakamahusay na e-Motorsport racers sa Asia.
Isinasagawa na ang local qualifiers, at pag natapos na ito, ang top 3 qualifiers mula sa bawat local team ay maglalaban-laban sa TGR GT Cup Asia 2021 kung saan ang top two winners ay magkakaroon ng pagkakataon mag-compete sa inaabangan na TGR GT Cup 2021.

Ang mga bansa na lalahok ay:
Maguumpisa ang kompetisyon sa October 16, 2021.
Ang bawat karera ay magtatampok ng iba’t-ibang track at Toyota road cars, pati na rin ang mga racing cars na kasabay nito.

Sa unang pagkakataon, ang livery ng bawat kotse ay manggagaling sa fans! Sumali ang mga fans sa isang kompetisyon para makapag-design ng livery para sa kanilang local team race car. Isa ang napili mual sa Thailand, Malaysia, India, Singapore, Indonesia, Taiwan, at South Korea.
TGR GT Cup Asia 2021 Format
Ang apat na tracks ay ang Tokyo Expressway – East Outer Loop, Fuji International Speedway, Circuit de Spa-Francochamps, at Circuit de la Sarthe.
Semifinals (Group A & B)

Ang top three qualifiers mula sa bawat local team ay maglalaban-laban sa dalawang grupo, at sila ay magkakarera sa bagong GR Yaris sa Tokyo Expressway racing circuit.
Ang top five racers sa bawat grupo ay dederetso na sa Final Race. Ang natitirang 11 racers ay maglalaban-laban sa Consolation Race para sa isang slot sa Final Race.
Consolation

Ang natitirang 6 racers mula sa Group A at 5 racers sa Group B sa Semi-Finals Race ay magkakarera sa sikat na Fuji Speedway circuit sa GR Supra 20, sa kanilang huling pagkakataon para makapasok sa Final Race.
Ang top 5 racers ay makakakuha ng spot sa Final Race.
Final Race – Round 1

Ang unang round ay gaganapin sa Spa-Francorchamps circuit sa Belgium. Magkakaalaman na ng husay para sa mga 15 racers na lalahok sa bagong GR 86 na ginawa para sa sports racing.
Final Race – Round 2

Ang pangalawang round ay gaganapin sa iconic Le Mans circuit sa France, kung saan mangangarera ang mga racers sa electric powertrain Toyota TS 050 Hybrid na ginawan ng improvements para makapaghatid ng maximum power.
Prize Money
Individual Rankings
Uuwi ang top three racers ng may mga prizes na ito base sa kanilang cumulative points sa bawat race.
- 1st Prize — US$6,000 (+ 1 seat in the TGR GT CUP 2021 Global Finals)
- 2nd Prize — US$3,000 (+ 1 seat in the TGR GT CUP 2021 Global Finals)
- 3rd Prize — US$1,500
Team Rankings
Ibibigay ang prizes base sa total points ng tatlong taong ito na nagrerepresenta ng kanilang local team, at ito ay paghahatian sa bawat isa.
- 1st Prize — US$6,000
- 2nd Prize — US$3,000
- 3rd Prize — US$1,500
Para maging up-to-date sa lahat ng impormasyon tungkol sa TGR GT Cup ASIA 2021 Regional Finals, siguraduhing I-bookmark mo ang tournament website.