Nagtapos ang Toyota Gazoo Racing (TGR) GT Cup Asia 2021 noong October 16, 2021 kung saan 21 racers mula sa 7 local teams ang naglaban-laban para maging Asia champion at makuha ang dalawang spots sa inaabangang TGR GT Cup 2021, kasama na rin dito ang mahigit US$19,000 na prize money.

Nagwagi sa tournament si Nathayos ng Thailand, habang nasa iklawang pwesto naman si Y.T. Chou ng Taiwan.

Thailand din ang nagwagi ng team championship.

Narito ang top five higlights mula sa tournament.

5. Kakaibang show ang ipinakita ng Team Thailand sa Semi Final A

Sa Semi Final A, nagtulungan sina Nathayos Sirigaya at Thanaphat Pungphat ng Thailand at ipinakita ang kanilang national pride upang masiguro ang podium 1-2 finish.

At dahil ang dalawang Thai competitors ang nangunguna sa pagpasok sa huling sandal ng karera, inunahan nila ang isa’t isa upang makuha ang unang pwesto appuntang finish line.

4. Y.T. Chou at Wasin nag-unahan para sa photo finish

Sa Semi Final B, naiwan sina Y.T. Chou ng Taiwan at Wasin ng Thailand na naggigitgitan patungo sa huling liko ng karera.

Ibinuhos ng dalawang manlalaro ang lahat hanggang sa huli, ngunit si Y.T. Chou ang nakakuha ng tagumpay.

3. Now or never sa Consolation Race kung saan paglalabanan ang Finals spot

Hindi lang sa unahan ng karera nagaganap ang aksyon. Naglaban para sa ikaapat at ikalimang pwesto sa Consolation Race sina Nam JungGil at Park JunHyeong ng Korea, at Nabil Azlan ng Malaysia. Lahat sila’y nag-unahan upang makuha ang huling dalawang spots para sa Final.

Nagtagisan ng husay at bilis ang tatlo, hindi sila mapaghiwalay hanggang sa final lap, uminit nang husto ang laban sa unang kanto.

2. Sobrang dikit ng finish na ‘to

Sa dulo ng Consolation race nasaksihan ang tatlong kareristang naggigitgitan hangang sa huling pagliko patungong finish line.

Sa kasamaang-palad, hindi nakaabot si Nabil, pero hindi ito nangangahulugang hindi nya ginalingan. Matinding husay ang ipinakita ng tatlong drivers.

1. Isang matinding four-way battle para sa second place

Sa Round 1 ng Final race, gumamit ng kakaibang alternate tyre strategy si Taj Aiman ng Malaysia kung kaya’t maaga syang nag-pit, matapos ito’y mabilis nyang natapos ang mga sumunod na laps.

Ngunit nang lumabas ng kanilang mandatory pit stops ang ibang drivers sa huling bahagi ng karera, nagulat si Aiman nang maipit sya sa isang four-way battle patungo sa huling paliko.

Narito ang mga sumunod na nangyari:

Sa Round 2 ng Final race, umarangkada si Y.T. Chou ng Taiwan sa simula ng karera upang makakuha ng magandang posisyon.

Komportableng natapos ni Y.T. Chou ang karera upang tanghaling kampeon ng TGR GT Cup Asia 2021, pumangalawa naman si Aleef, na sinundan ni Nathayos sa ikatlong pwesto.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.