Ilan sa mga mobile esports titles ay gumagawa ng headline at nagbe-break ng mga record pagdating sa prize pool. Kadalasan, ang halaga ng prize pool ng isang torneo ay sinasalamin kung gaano kalaki at kaimportante ito.
Sa ngayon, ang pinakamalaking prize pool sa kasaysayan ay hawak ng Dota 2 The International 10 na nasa tumataginting na US$40 million (humigit-kumulang Php2 billion).
Pero pagdating sa scene, anu-ano kayang mga torneo ang kasama sa Top 10 mobile esports may pinakamalalaking prize pool?
Ito ang top 10 mobile esports tournaments na may pinakamataas na prize pool:
10. Mobile Legends: Bang Bang MPL ID Season 8

Prize pool: US$300,00
Ang MPL ID ay isa sa mga pinakapopular na MOBA tournament sa Indonesia. Ang Season 8 nito ay may pinakamalaking prize pool sa lahat ng liga ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League.
Tampok ngayong MPL ID Season 8 ang bagong koponan na Rebellion Genflix at ang pagbabalik ni Muhammad “Wann” Ridwan sa EVOS Legends.
Narito ang schedule at mga resulta sa MPL ID Season 8.
9. Free Fire Continental Series

Prize pool: USD$900,000
Nakapagtala ang Free Fire Continental Series ng 2 million views noong nakaraang taon. Naglaban dito ang mga koponan mula sa EMEA (Europe, Middle East & Africa), America at Asia. Ang torneo ay nagkaroon ng US$900,000 prize pool sa tatlong rehiyon.
Ang Free Fire ang pinakamatagumpay na multiplayer battle royale game.
8. PUBG Mobile Global Championship Season 0 Finals

Prize pool: US$1,200,000
Nakuha ng Nova Esports ang titulo sa PUBGM Global Championship Season 0: Finals 2020 at inuwi ang premyo na US$700,000. Pinanis nila ang mga koponan tulad ng Four Angrey Men, Natus Vincere at Team Secret.
7. Peacekeeper Elite Championship 2021

Prize pool: US$1,848,614
Ang Peacekeeper Elite Championship (PEC) ay naganap na nang tatlong beses sa mga nakalipas na taon. At ngayong 2021, maghahandog ito ng US$1.8 million. Naipanalo ng Nova Esports ang pinakahuling PEC tournament at naibulsa ang premyo na US$751,000.
Ang Peacekeeper Elite ang Chinese version ng PUBGM.
5. Free Fire World Series 2021

Prize pool: US$2,000,000
Sa Singapore ginanap ang Free Fire World Series 2021, ang kauna-unahang offline tournament ng laro mula noong mag-shift ito sa online format sa nakaraang taon.
Ang torneong ito ang may pinakamalaking prize pool sa kasaysayan ng Free Fire. Kapantay nito ang US$2 million prize pool ng Call of Duty Mobile World Championship.
5. Call of Duty Mobile World Championship 2021

Prize pool: US$2,000,000
Ang Call of Duty Mobile World Championship ang unang mobile esports tournament na nagtala ng US$1 million prize pool. Ngayong taon, dinoble nito ang prize pool sa US$2 million.
16 teams ang magbabakbakan sa CODM World Championship 2021 na gaganapin sa dulo ng taon.
4. Peacekeeper Elite League 2021 Season 3

Prize pool: US$3,140,515
Ang Peacekeeper Elite League ay isang local championship na tinatampok ang mga koponan sa China. Tangan ang prize pool na US$3.1 million, ang local tournament na ito ay nakakagulat na mas malaki pa sa world championship ng nasabing laro.
3. PUBG Mobile Global Championship 2021

Prize pool: US$6,000,000
Ang pinakamalalakas na battle royale teams sa buong mundo ay magsasagupaan sa pinakamalaking PUBGM tournament. Ang torneong ito ay mayroong kamangha-manghang US$6 million prize pool, ang pinakamataas sa kasaysayan ng mobile esports title na ito.
Tatlong koponan ang magmumula sa Southeast Asia–pinakamarami sa lahat ng rehiyon.
2. Honor of Kings World Champion Cup 2021

Prize pool: US$7,719,867
Habang marami ang battle royale sa listahan na ito, ang dalawang may pinakamataas na mobile esports prize pool ay nabibilang sa MOBA genre.
Ang Honor of Kings World Champion Cup 2021 sa China ay nagbigay ng US$3.2 million sa kampeon nito, ang QG Happy.
1. Arena of Valor World Cup 2022

Prize pool: US$8,000,000
Isa pang Tencent Games title, ang Arena of Valor ang may pinakamalaking prize pool sa lahat ng mobile esports.
Ang paparating na Arena of Valor World Cup (AWC) 2022 ay pagsasamahin ang Arena of Valor at Honor of Kings. Inaasahan na malalampasan ng AWC 2022 ang $8 million prize pool na mas mataas pa sa inihanda ng dalawang laro sa nakaraan.
Salin ito mula sa English article ni Kristine Tuting na isinalin ang Thai article ni Jedsada Chanapinijwong.