Bida si Nayeon at mga miyembro ng Twice sa bagong commercial ng Nintendo Korea para sa role-playing game nitong Miitopa sa Switch.

Nakipag-ugnayan ang leading Korean girl group ng JYP Entertainment at Japanese video game company para maglabas ng bagong set ng commercial movies na pinagbibidahan nina Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun, Chaeyoung, at Tzuyu.

Makikitang nagre-relax ang mga idol sa iisang bahay habang naglalaro ng Miitopia sa naka-TV mode na Nintendo Switch.

Kasama ang iconic bunny teeth sa design ng Mii character ni Nayeon

Sa unang Twice Miitopia commercial, makikita sina Jeongyeon, Sana, Momo, at Jihyo na pinapanood maglaro si Nayeon.

Gumagawa si Nayeon ng sarili niyang Mii (Nintendo avatar), at ine-explore ang iba’t-ibang features katulad ng face shape. Para sa bibig ng kanyang avatar, napusuan ni Nayeon ang bunny teeth mula sa 35 pang ibang pagpipilian.

Twice x Miitopia
Credit: Nintendo Korea

Bukod sa kanyang vocals, isa rin sa pagkakakilanlan ni Nayeon ang kanyang bunny teeth na talagang kinagigilawan ng mga ONCE, ang tawag sa fandom ng Twice. Dito rin hango ang kanyang nickname na “Bunny Nabong”.

Credit: JYP Entertainment

Pinakita rin sa commercial ang ibang mga miyembro na nage-enjoy habang nakikipag-interact si Nayeon sa kanilang Mii.

Sina Mina, Dahyun, Chaeyoung, at Tzuyu naman ang nakitang naglalaro sa ikalawang commercial, habang umiikot sa mga inn at beach.

Credit: Nintendo Korea

Halatang nage-enjoy ang mga miyembro habang naglalaro ng Miitopia.

Maaring bilhin ang Miitopia sa Nintendo Switch sa halagang US$50. Makikita rito ang kumpletong detalye ng laro.

Twice para sa Nintendo Switch

Credit: Nintendo Korea

Bago pa man nila pagbidahan ang mga commercial para sa Miitopia, nauna nang mag-photoshoot ang Twice para sa Nintendo Switch. Ipinakita ng mga idol ang mga features ng console kagaya ng TV mode, tabletop mode, at handheld mode.

Hindi lang para sa kapakanan ng endorsements ang paglalaro ng Twice, lalo na’t ang iba sa kanilang miyembro ay avid gamers din katulad ni Jihyo na paborito ang League of Legends, at ni Mina na may sariling gaming PC.