Pinagbuklod ng VCT Stage 2 Masters ang mga Valorant community sa buong mundo para sa isang weekend ng malulupit na laro, nakamamanghang plays, at syempre, memes.
Nagbigay daan ang mga team walkouts, post-game celebrations, at in-game celebrations sa mga pinakanakakatawang moments noong VCT na kadalasang posible lang sa mga LAN events.
Malaki ang naging parte ng mga pakwelang ito sa pagbuo ng storya ng unang international LAN event ng laro kung saan higit sa isang milyong viewers ang tumutok para sa grand finals sa pagitan ng Sentinels ng North America at Fnatic ng Europe.
Ito ang lima sa pinakanakakatawang moments sa VCT Stage 2 Masters:
5. Cat ears ni Vanity ng Version1
Bukod sa kanilang Cinderella story, isa pang dahilan kung bakit naging standout team ang Version1 ay dahil sa cat ears na suot ng kanilang in-game leader na si Vanity.
Naging pagsuporta na sa Version 1 ang pagka-cat ear at meron pa ngang gumawa ng website na naglalagay ng cat ears sa iyong profile picture.
Mula sa cartwheels, Fornite dances, ang entrance ng Purple Cobras mula sa pelikulang Dodgeball, hanggang sa victory dance na ‘to matapos ang kanilang unang panalo, talaga namang patok ang mga trip ni Version1.
4. Pagputol nina Lakia at Suggest ng NUTURN sa cat ears ni Vanity
Nang talunin ng NUTURN ang Version1, sumakay ang Korean squad sa cat ears trip ni Version1… sa pagputol nila dito.
Pero syempre, sports pa rin ang mga players. Ika nga ni Vanity, na syang nagpa-uso ng cat ears, sa kaniyang tweet, ito raw ay isa sa pinakanakakatawang bagay na nakita niya.
Di rin nagpahuli ang NUTURN sa mga pakwela nang mag-Gangnam Style ang mga players sa isa kanilang mga onstage walkouts.

3. Mga onstage walkout ni X10 Patiphan sa VCT Stage 2 Masters
Kung nagtataka kung sino nga ba ang pasimuno ng mga ‘to, pwede mong iturong salarin si Patiphan ng X10 nang pumasok siya sa stage noong Day 2 habang ginagawa ito.
Instant hit ang clip na kalauna’y naging isa sa pinakanakakatawang ganap sa buong VCT Stage 2 Masters.
Instant friends din Patiphan at Boaster ng Fnatic nang sabay na tumalon ang dalawa papasok sa stage bago ang kanilang laban.
Bukod sa pagiging tanyag na player ng Southeast Asia, pinabilib din ni Patiphan ang buong mundo sa kanyang mga magic tricks tuwing nagkakaroon ng technical pauses.
2. Victory dance ni ShahZam
Maraming hindi makakalimutang ganap sa VCT Stage 2 Masters pero iba ang dating ng victory dance na ‘to ni ShahZam matapos itulak ng Sentinels ang Fnatic sa overtime.
Napansin din ng mga fans ang hindi-sadyang pagdedma ni ShahZam sa fist bump ni dpar dahil sa kanyan kasiyahan. Tila uso ata ang missed fist bumps sa mga IGL dahil nadedma rin ni Boaster si Derke noong laban bago ‘to.
At speaking of Fnatic…
1. Mga trip ni Boaster ng Fnatic
Di man nila nauwi ang championship title, nagsilbing master showmen naman ang Fnatic sa kabuuan ng event, salamat sa pangunguna ni Boaster at kanyang mga kakaibang trip.
Di lang ang mga laban ng Fnatic ang inaabangan kung hindi pati na rin ang kanilang walkouts at post-game celebrations. Buong VCT Stage 2 Masters, nakita si Boaster na nag-flex, sumayaw a la BTS, nag-pirouette kasama si Patiphan, nag-wheelbarrow kasama si Mistic, at nag sagwan… kahit wala namang bangka.
Kabilang naman sa mga trip nila sa post-game ay ang tila pagbabawal kay Boaster na pumasok sa bar, ang paggaya sa The Voice, saludo para sa Team Liquid, at pag-acting ng ultimate ni Sage na tila callback sa kanilang SUMN FC roots.
Sa lahat ng mga nabanggit, nangingibabaw pa rin ang paggaya nila sa eksena sa loob ng eroplano, kasama si Boaster bilang in-flight attendant, nang pauwiin nila ang North American team na Version1.
Salamat sa mga nakakatawang tagpong ito, naging masayang tournament ang VCT Stage Masters. Naging pagkakataon din kasi ito para sa mga fans na makilala nang lubos ang mga top players sa pamamagitan ng dance moves at cheers, bukod pa sa kanilang galing mag-Valorant.