Sina Wann at LJ ay dalawa sa pinakabantog na manlalaro sa Mobile Legends competitive scene. Walang duda ang kapasidad ng dalawang beterano na magpakitang-gilas hindi lamang sa MPL Indonesia, kundi sa gitna ng pinakamagagaling na teams sa international stage.

Sa katunayan, susi si Wann para maselyo ng EVOS Legends ang MPL ID Season 4 kampyonato gayundin ang prestihiyosong M1 World Championship.

Credit: MPL ID

Habang si LJ naman ay isa sa pinaka-dekoradong player sa Indonesia na nag-uwi na ng apat na MPL Titles mula sa mga koponang pinaglaruan niya. Susi ang batikang tank sa kampanya ng NXL na kampyon ng MPL ID Season 1, ng RRQ Hoshi sa Season 5 at 6, at EVOS Legends noong Season 7.

Ngunit gaya ng mga atleta sa competitive sports, lumilipas ang galing ng mga pro players sa MLBB. Sa katunayan, maraming nagsasabi na hindi na kasimbangis ang ipinapakita nina Wann at LJ sa mga lumipas na seasons.


Nahirapan sina Wann at LJ na makasabay sa main team

Bagamat makasaysayan ang narating ng dalawang players, malayo ang kanilang ipinakita sa mga nakaraang seasons sa mga panahong nasa rurok sila ng kanilang mga karera.

Matapos magpahinga noong Season 7, sinubukang bumalik ni Wanna sa Season 8 sa main team bilang midlaner, taliwas sa kaniyang orihinal na jungler position. Malaking dahilan din ang pagiging mainit ni Ferxiic bilang jungler kung kaya’t ang midlane position ang mas swabeng opsyon para sa beterano.

MPL ID

Gayunpaman, nabalitang magbabalik dapat si Wann bilang jungler sa MPL ID Season 9 ngunit dahil sa magandang performance ng dalawang pausbong na junglers na sina Ferxiic at Tazz, ay napuranda ang nasabing plano.

Malala rin ang naging sitwasyon ni LJ sa mga nakalipas na seasons. Matapos sumapi sa EVOS Legends, sa dalawang MPL ID seasons lamang siya nakakita ng aksyon, bukod sa panaka-nakang appearance sa mga liga sa labas ng MPL.

Credit: LJ

Noong season 9, hindi na nga isinama si LJ sa plano ng team sa MPL. Kaugnay ito ng balitang namili lamang ang EVOS Legends coach na si Zeys sa pagitan nina REKT, Luminaire, at mga bagong players.


Mga opinoyn tungkol sa paglalaro nina Wann at LJ sa MDL

Maraming balita na maglalaro ang dalawang beterano para sa MDL team ng EVOS na EVOS Icon ngayong Season 5.

Nagsimulang gumulong ang balita ng ibahagi ng ilang EVOS Legends players ang planong mangyare para sa dalawa. Ani ni Luminaire, ayon daw sa kagustuhan ni Wann ang desisyon na maglaro para sa EVOS sa MDL.

Credit: MDL

Sinundan naman ito ni Wann na sinabing, “I will play in MDL? It seems. I do not want to rest anymore because I do not want to disappoint the people who have supported me.”

Kung magpapatuloy ang paglalaro ni Wann at LJ sa MDL, direkta nitong ipapakita ang katotohanan sa mundo ng esports. Patotoo ito na kasabay ng pagbabago ng meta at in-game mechanics ay ang pangangailangan ng mga manlalarong patunayan ang kanilang sarili muli’t-muli. Oo, kahit pa kasing dekorado sila ng dalawang beteranong nabanggit.


Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa MPL.