Dahil sa pagpasok ng Sony sa mobile gaming industry, maraming mga fans ang umaasang makita ang mga PlayStation games na ma-port sa smartphone platform o ma-remaster para sa pocket gaming.

Ang Chairman, President, at CEO ng Sony Group Corporation na si Kenichiro Yoshida ay nagbigay ng isang talumpati sa ukol sa direksyon ng kumpanya para sa taong ito sa corporate strategy meeting ng Sony.

“Going forward Sony will continue to actively release mobile games based on anime-related IP around the world, and further focus on deploying PlayStation’s proprietary IP to mobile as well,” ayon sa report.

Sa katunayan, ang mga PlayStation games sa mobile ay darating ng mas maaga kaysa inaasahan ayon sa head of PlayStation ng Sony na si Jim Ryan sa kanyang interview sa Axios.

“We are working on a number of models to open up mobile,” sabi ni Ryan.

Narito ang limang PlayStation games na gusto naming malaro sa mobile.


5. Bloodborne

Bloodborne FromSoftwareScreenshot
Credit: From Software

Sinasabing pinakamahirap (pero pinaka-rewarding) na PlayStation games ay ang Bloodborne ng From Software. Ang posibleng paglabas nito sa smartphone ay maaaring makapagpataas ng difficulty level ng mga games sa mobile platform.

Bida sa Bloodborne ang isang manlalakbay na natagpuan ang kanyang sarili sa gitna ng Yharnam. Kinakailangan ng mga players na ipagtanggol ang kanilang sarili mula sa mga halimaw at mga nakakatakot na nilalang upang magpatuloy at malaman ang mala-obrang kwento ng larong ito.


4. Shadow of the Colossus

ShadowoftheColossus BluepointGames
Credit: Bluepoint Games

Hindi na bago ang mga puzzle games sa Google Play Store at Apple App Store. Merong mga match-three games tulad ng Candy Crush Saga, Bejeweled, at Zuma, nariyan din ang mga optical illusion puzzles tulad ng Mountain Vallet at Cut the Rope.

Kung magkakaroon ng phone version ang Shadow of the Colossus, itataas nito ang standard ng mga games dahil sa napakagandang visuals at kwento.

Sa Shadow of the Colossus, kailangang talunin ng mga players ang mga colossi sa pag-atake sa weak points ng mga ito. Kailangang talunin ang 16 na higante upang maibalik ang buhay ni Mono, isang importanteng tao sa buhay ng bida.


3. Uncharted

UNDC SCREENS40
Screenshot by Kristine Tuting/ ONE Esports

Isa na namang plot-driven title, ang Uncharted ay ang kwento ni Nathan Drake at ang kanyang mga pakikipagsapalaran sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay may magandang istorya na kinagigiliwan ng marami na naisalin na rin sa mga comicbooks at pelikula.

At kahit na meron nang lumabas na opisyal na puzzle mobile game na “Uncharted: Fortune Hunter”, maganda pa ring makakita ng spin-off RPG sa mga smartphone deveices.


2. The Last of Us

TheLastofUsPartII JoelandEllie
Credit: Naughty Dog, LLC

Ang istorya nina Ellie at Joel at ng kanilang pakikipagsagupa sa kalagitnaan ng isang zombie apocalypse ay isang napakagandang kwento na dapat malaman ng lahat.

Hindi masama kung magkakaroon ng The Last of Us (TLOU) port sa mobile, lalo na sa panahon ngayon na parami nang parami ang mga smartphone devices na ang kayang magpatakbo ng mga high-definition graphics, na isa sa mga kapansin-pansing features ng game.

Bukod sa kwento at mga characters, kinilala rin ang TLOU para sa kamanghamangha nitong environment sa gitna ng magulong setting.


1. God of War

GodOfWar Kratos Atreus
Screenshot by Kristine Tuting/ ONE Esports

Oo, gusto naming makita si Kratos, Atreus, at ang iba pa nilang kasama sa mobile sa isang remastered version ng God of War. Saktong sakto ang triple-A videogame ng Santa Monica studio sa ating mga smartphone.

Ang posibleng smartphone adaptation ng God of War ay maaaring ipagpatuloy ang kwento ng God of War: Betrayal, isang app na na-develop para sa mga phones na may Java Platform, Micro Edition (Java ME). Baka sakaling makuha na natin ang buong HD experience sa pagkakataong ito sa halip na yung dating 2D side-scroller.

https://youtu.be/QQDhAZnnAU4