Panalo sa nagdaang Super Smash Bros Ultimate Invitational tournament sa REV Major Lockdown ang Link player na si Yoshi_95.

Namayagpag si Joshua “Yoshi_95” Rappert sa 8-man invitational tournament na sinalihan ng mga pinakamahuhusay sa Super Smash Bros Ultimate players sa kasalukuyang local scene.

Sa Grand Finals ay nakalaban nya ang dating Smash Melee player at halimaw sa losers bracket na si Lorenzo “Junkyarddude” Suarez. Sa kabila ng mahihigpit na mga laban at husay sa poaggamit ng Joker, hindi pa rin umubra si Junkyarddude sa bagsik at liksi ng Link ni Yoshi_95.
Sa kanyang losers bracket run, nilaglag ni Junkyarddude ang tatlo sa mga manlalarong kasali, kabilang na si Kendrick “Psi Force” Cheah na syang nagpadala sa kanya sa lower bracket.

REV Major Lockdown SSBU Invitational participants
- Joshua “Yoshi_95” Rapport
- Lorenzo “Junkyarddude” Suarez
- Kendrick “Psi Force” Cheah
- Luke “Regerets” Garcia
- Brian “BAvillain” Alonte
- Raja “Mystikmol” Dalisay
- John Michael “Arcalt” Tapiador
- Lawrence “NBD”Taccad
Mapapanood ang iba pang fighting game tournaments sa official Twitch channel ng Gariath Concepts at Facebook page ng REV Major Philippines.