Inanunsyo ng esports peripheral company na BenQ Zowie ang refresh para sa legendary EC range nito maging ang paglalabas ng bago, mas maliit at mas compact na model sa lineup, ang EC3-C.
Ang ergonomic na EC series ay staple na ng Zowie sa loob ng mahigit isang dekada at ang iba’t-ibang iteration ng EC1 at EC2 nito ay hilig pa rin ng mga FPS esports pro.

Credit: ESL
Habang ang mga nakaraang update sa range ay nag-focus sa mas maliliit na upgrades tulad ng mas bagong sensors o kaya naman ibang mouse feet, ang pinakabagong C refresh ng Zowie ay ilalabas ang pinakamalaking upgrades sa ngayon.
Mga upgrade sa Zowie EC-C range
Kabilang sa upgrades ang paglalagay ng improved 24-step scroll wheel, flrexible paracord-like cable at matinding weight reduction.

Ang bagong EC1-C ay tumitimbang na lamang ng 80g habang ang EC2-C ay 73g at ang bagong EC3-C ay 70g na sa ngayong ay pinakamagaang mouse ng Zowie.

Ang EC3-C ay nagpapakilala ng mas bago at mas maliit na form factor sa EC series.
Halos parehas ang width sa harap, gitna at likod ng EC3-C sa EC2-C pero mas maiksi ito nang bahagya pagdating sa height at length. Ang mas maiksing length ay sakto para sa mabilis na vertical flicks na pangkaraniwan sa mga modern FPS esports titles ngayon tulad ng Valorant at Overwatch.
Ito ang hugis ng EC3 kumpara sa EC2:

Ang EC3-C ay pwede nang mabili ngayon habang ang refreshed EC1-C at EC2-C ay ilalabas sa kalagitnaan ng October.
Maaari niyong mabasa ang orihinal na akda.