Naka-base ang mga bayan at lugar ng open-world RPG ng miHoYo na Genshttps://www.oneesports.ph/?s=genshin+impacthin Impact sa mga lokasyon sa totoong buhay. Ang Dragonspine ng Mondstadt, halimbawa, ay inspirado ng mga bulubundukin ng Alps sa Europe.

Para maiugnay ang totoong mundo sa virtual realm ng laro na Teyvat, magsasagawa ang miHoYo ng isang community event, ang “Enchanting Journey of Snow and Stars.” Ang web event na ito ay para bigyan ang mga players ng isang silip sa Alps at para na din bigyan ng mga premyo ang mga players, tulad ng mga libreng Primogems. 

Handa ka na ba makaipon ng pinakamadaling 30 Primogems sa buhay mo? Ang kailangan mo lang gawin ay mag-click at maghintay!

Paano lumahok sa ‘Enchanting Journey of Snow and Stars’ Genshin Impact web event

Genshin Impact Enchanting Journey of Snow and Stars Souvenir Card
Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Ito ang isang step-by-step na gabay kung paano ka makakasali sa “Enchanting Journey of Snow and Stars” Genshin Impact web event: 

  1. Bisitahin ang “Enchanting Journey of Snow and Stars” web event page
  2. I-click ang “Coalescing Starlight” na button. 
  3. Hihiling ang web event na gumawa ka ng isang souvenir card. Ilagay ang iyong pangalan, rehiyon, at pumili ng isang Genshin Impact character na gusto mong lumabas sa souvenir card mo. 
  4. I-click ang “Create Souvenir Card” kapag tapos ka na. 
  5. Mapupunta ka sa rewards page. I-click ang “Hang Your Wishes” na button.
  6. Ilagay ang iyong wish o mensahe sa loob ng 50 text characters. Makikita sa Alps ang mga mensahe ng mga maswerteng players. 
  7. Bantayan ang page at I-claim ang rewards habang dumadami ang mga sumasali. 

Kapag umabot na sa isang milyon ang mga sumali, isang espesyal na Alps Waypoing Lighting Ceremony ang magpapakita sa lahat ng mga players sa gitna ng Enero.

‘Enchanting Journey of Snow and Stars’ Genshin Impact web event rewards

Genshin Impact Web Event Rewards
Screenshot by Kristine Tuting/ ONE Esports

Maaring makakuha ang mga travelers ng mga rewards na ito mula sa event: 

NUMBER OF ILLUMINATORS REWARDS 
300,000 3x Goulash 
600,000 20,000 Mora 
1,000,000 30x Primogems 

Alalahanin mo na ang bawat reward pack ay limitado lamang sa tatlong milyon, kaya I-claim mo na bago pa ito maubos! 

Papailawin mg mga miHoYo staff ang Teleport Waypoint ng event sa Alps sa kalagitnaan ng Enero at ito ay papalabasin nang live sa socials ng Genshin Impact