Ang Ruin Machine sa mga rehiyon ng Mondstadt, Liyue, at Inazuma ng Genshin Impact ay tila’y nakakainis. Nandiyan ka at biglang may lalabas na pulang palaso sa iyong character.

Susunod niyan, may paparating na mga missiles sa’yo.

Nakategorya bilang humanoid machine Elite enemy ng mundo ng Teyvat, ang ibang Ruin Machine ay nagbabantay ng chests, ang iba naman ay fina-farm para sa mga materyales pang-upgrade ng weapons, habang ng iba naman ay mga one-time boss.

Sa Sumeru, na inilabas sa Genshin Impact 3.0, mapapansin mong ang iilan sa mga ito ay naka-kandado sa likod ng “Seal on the Stone Pillar.” Basahin ang gabay na ito para ma-unlock mo ang mga ito.



Mga kailangan mo para ma-unlock ang nakaselyong Ruin Machine ng Sumeru  

Genshim Impact unlock Ruin Machine
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Kapag nakita mo na ang Seal on the Stone Pillar sa kauna-unahang beses sa bagong rehiyon ng Genshin Impact, magbubukas ito ng bagong archive entry sa tutorial.

Mapapansin mong nakaselyo ang mga Ruin Machine ng Dendro energy na tumataguyod ng mga monsters na ito. Hindi ka nila aatakehin, di tulad ng mga free-walking, hanggang sa ma-unlock mo sila.

Kailangan mong wasakin ang mga putting bilog na cone pillars gamit ang Pyro.

Ang iilan sa mga bilong na cone pillars na ito ay nakaselyo sa likod ng Dendro stones. Para mawasak ang unang layer, maghanap ng malapit na Dendrogranum para ma-summon n Dendrograna. Pagkatapos ay mag-attack para basagin ang mga ito at mabunyag ang tinatagong cone pillar sa likod, na muli’y kailangan mong gamitan ng Pyro.

Kapag naubos na ang green energy, humanda na para patumbahin ang Ruin Hunter!

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang Genshin news.

BASAHIN: 5 anime characters na gusto natin makita sa Genshin Impact