Kilala ang Tier One Entertainment co-founder na si Alodia Gosiengfiao sa kaniyang paghalo ng cosplay at high fashion, at sa pagsama ng mga character details sa mga napakagandang gowns, tulad ng kaniyang Leona-inspired dress. 

Ngunit ngayon, gumawa ng Diana-inspired outfit ang Filipino cosplay queen na tiyak na mapapangiti ang kahit sinong League of Legends fan. 

Naging isang muse of the moon si Alodia sa kaniyang Diana-inspired outfit mula sa League of Legends 

League of Legends Alodia Gosiengfiao Diana
Credit: Marj Gutierrez

Kuminang ang buong look, mula sa kaniyang Job Dacon headdress hanggang sa kaniyang mga high heels. Nagsuot siya ng isang tight-fitting bodice na gawa ng local designer na si Atelier Arcusa at pinatong niya ito sa isang kumikinang na sequined dress kasabay ang mga maluluwag at flowy na sleeves para makamit ang moon goddess vibe. 

Pagdating kay Boss A, importante ang mga detalye, kaya makikita mo na kahit ang mga kamay niya ay may suot na magarang silver rings at bangles. Ang kaniyang drop earrings, na mukhang isang crescent moon, ang nagkumpleto sa buong look.  

League of Legends Alodia Gosiengfiao Diana dress
Credit: Marj Gutierrez

Ginulat niya ang buong mundo noon sa kaniyang Leona getup sa red carpt premiere ng League of Legends anime series na “Arcane” sa Los Angeles, California. 

Sundan ang kaniyang Instagram (@alodia) para sa karagdagang video game OOTDs ni Boss A.