Naglapag ng isa na namang aesthetically-pleasing na skin line ang Riot Games na pinagbibidahan ni Xerath, Lucian, Camille, at Tahm Kench.
Ang bagong skin line ng League of Legends ay tinatawag na Arcana, base sa isang Major Arcana cards ng isang tarot set. Ang bawat champion sa skin line na ito ay isang anyo ng mga pangyayari sa mga napiling tarot cards. May kaunting misteryo ang mga skins at ito ay inspired sa mga fortune-telling cards na may mga simbolo ng korona, bituin, at ang araw sa kaniyang mga official splash arts.
Ngunit nangingibabaw si Arcana Xerath, lalong-lalo na’t ito ang unang beses na makikita natin siya na kaniyang taong anyo. Sa lore na ito, maalala ng mga fans na ang mage champion na si Xerath ay isang malakas na magus na mula sa mga piraso ng sirang kabaong. Sa Arcana skin na ito, ang mga pirasong ito ay naging isang armor na kulay ginto. Si Xerath mismo ay kumikinang na may kulay pula at mayroon din siyang putting buhok, isang ball of flame sa ulo, at mga malalaking sungay.

Si Lucian naman ay nagbigay-anyo sa Justice tarot card, suot-suot niya ang kapansin-pansin na pulang balabal sa taas ng isang itim na suit. Ang pag-cast niya ng kaniyang ultimate ay magpapalabas ng isang deck ng red cards na siguradong ikaiinggit ni card master Twisted Fate.

Ang splash art naman ng Arcana Camille ay kamangha-mangha, at pati an rin ang kaniyang balat. Siya ang may suot na itim na pantsuit na may ginto at pulang headpiece na bagay sa kaniyang mga pulang mata. Dati, suot suot ang nakakatakot na Stargazer skin sa Wild Rift, ngayon ito naman? Camille, hinay-hinay lang!

Isa sa mga pinakamagandang skin niya so far, ang design ng Arcana Tahm Kench ay napakasarap sa mata. Nawala ang kaniyang nakakatakot na vibes, at ito ay pinalitan ng royalty na mukhang isang Emperor tarot card. Mual sa splash art patungo sa particle effect, tila sinakop na ni Arcana tahm Kench ang ating mga puso.

Ito ang mga champions at ang kanilang katumbas na Major Arcana tarot cards na makikita sa kanilang recall animations at bilang mga hula ng mga fans sa Reddit.
- Arcana Xerath – Arcana I (The Magician)
- Arcana Lucian – Arcana VII (Justice)
- Arcana Camille – Arcana XVIII (The Moon)
- Arcana Tahm Kench – Arcana IV (The Emperor)
