Nandito na si Briar, ang bagong vampire champion ng League of Legends.

Nagmula sa Noxus, gawa si Briar ng Black Rose sa pamamagitan ng hemomancy, ang art ng blood magic. Isa siyang nabubuhay na weapon na kailangan uminom ng dugo para magkaroon ng lakas.

Puro kaguluhan gameplay ni Briar, kaya naman perkpeto ang kaniyang role bilang isang diver o beserker. Magandang choice siya para sa mga teams na naghahanap ng matigas na frontline bruiser.



Briar abilities at skills sa League of Legends 

LoL Briar abilities
Credit: Riot Games

Passive – Crimson Curse  

Nakakatangap ng siya increased Healing base sa kaniyang missing health at may kaunting bleed ang kaniyang attack at abilities. Nagdudulot ang kaniyang bleed ng physical damage base sa stacks at makakapag-heal ito kay Briar. 

Walang siyang base health regeneration at may halagang health ang kaniyang abilities para gamitin.


LoL Briar Head Rush
Credit: Riot Games

Q – Head Rush

Tumatalon si Briar sa isang target para ma-Stun sila sa loob ng maikling panahon, para magdulot ng physical damage at mabawasan ang kanilang armor.

Ititigil niya ang pag-prioritize ng champion kung siya ay magka-cast ng Ability sa isang minion o monster sa isang Blood Frenzy.


LoL Briar Blood Frenzy
Credit: Riot Games

W – Blood Frenzy/Snack Attack

Tatalon si Briar sa isang lokasyon at papasok sa isang Blood Frenzy, para makapag-self taunt sa pinakamalapit na kalaban. Habang nasa Blood Frenzy, makakatanggap siya ng Attack Speed at Move Speed at ang kaniyang mga attacks ay magdudulot ng physical damage sa paligid ng main target.

Maaring siyang mag-Recast ng ability na ito para mapalakas ang kaniyang susunod na attack. Magdudulot ito ng missing health physical damage at makakapag-heal kay Briar.


LoL Briar Chilling Scream
Credit: Riot Games

E – Chilling Scream  

Begin Charging: Tatanggalin ni Briar ang kaniyang Blood Frenzy at kukuha ng energy, para makatanggap ng damage reduction at maibalik ang kaniyang health.

Release: Magpapakawala siya ng isang sigaw na magdudulot ng damage base sa time charged at makakapag-Slow sa loob ng kaunting oras. Kapag fully charged, matutumba ang mga kalaban at makakatanggap ng additional damage para ma-Stun niya.

LoL Briar Certain Death
Credit: Riot Games

R – Certain Death

Magpapakawala ang hero na ito ng isang hemolith at lilipat sa isang lokasyon kung nasaan natira ang unang champion, para ma-marka ito bilang biktima niya. Pag-land ay magdudulot siya ng matinding physical damage sa buong paligid para tumakas ang mga kalaban.

Pagkatapos ay papasok siya sa isang empowered Blood Frenzy at susundan ang kaniyang biktima hanggang sa ito ay mamatay. Sa oras na ito ay makakatanggap siya ng Armor, Magic Resist, at adisyonal na Move Speed.

Basahin ang Briar’s champion insights dito.



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa League of Legends.

BASAHIN: Kumpletong listahan ng mga podiun finishes ni Faker sa kaniyang 10-year LoL career