Pinakita ng MAD Lions kung ano talaga ang ibig sabihin ng rookie power sa LEC Playoffs matapos ito manalo laban sa SK Gaming, Schalke 04, Rogue, Fnatic, at G2 Esports.
Ang pinakahuling panalo nila ay laban sa Rogue sa LEC Spring Finals matapos nila itong matalo gamit ang reverse sweep.
Pagkatapos nilang manalo, sinabi ni Matyáš “Carzzy” Orság na siya at ang kaniyang Bot lane partner na si Norman “Kaiser” Kaiser ang pinakamalupit na tandem sa LEC.
“I think we have the best understanding of the mid and late-game, plus we know how to punish opponents and snowball a game,” sabi ni Carzzy sa isang interview kasama ang LEC.
Pinagyabang ni Carzzy at Kaiser ang kanilang synergy sa Rogue match laban sina Steven “Hanssama” Liv at Adiran “Trymbi” Trybus, matapos nilang talunin ang mga importanteng teamfights na nagdulot sa kanilang kahanga-hangang reverse sweep.
Siyempre, pinuri rin ni Carzzy ang kaniyang dalawang bagong teammates, dating Supermassive Para top laner na si İrfan Berk “Armut” Tükek at jungler at Rookie ng Season na si Javier “Elyoya” Prades Batalla.
“We had the two new players come in and saw that they’re pretty good, I would say,” sabi ni Carzzy.
Naasahan naman sina Armut at Elyoya noong kailangan sila ng team lalong-lalo na sa last game ng serye, kung saan napanalunan ng MAD Lions ang LEC championship trophy.
Sabi ni Carzzy, ang MAD Lions daw ang “best team-fighting team” sa buong league at sila ay handa na bumalik sa international stage sa Mid-Season Invitational sa susunod na buwan. Excited na din si Carzzy makalaban ang pinakamahusay na teams sa buong mundo gamit ang bagong MSI 2021 format.
“Since there are no Play-Ins, we’re just going to stomp it.”
Inaabangan din ng bot laner ang paglaban nila kontra sa 2020 Worlds champions na DWG KIA.