Si Kim “Peyz” Su-hwan, ang bot laner ng League of Legends team na Gen.G, ay mukhang isang ordinaryong teenager sa South Korea. Hilig niyang gumala kasama ang mga kaibigan niya, pagkanta sa karaoke, at pagtambay sa mga PC café.

Ngunit hindi siya isang ordinaryong teenager lamang.

Sa edad na 17 years old, hindi lamang siya ang pinakabatang bot laner na nanalo ng isang LCK championship sa kaniyang kauna-unahang rookie season, ngunit nakatanggap din siya ng finals MVP award.

Noong LCK Spring 2023 finals, sinurpresa ni Peyz at ng kaniyang team ang lahat nang tinalo nila ang mga paboritong T1, 3-1. Dumating ang panalong ito matapos silang matalo nang tatlong matches sunod-sunod sa T1 sa regular season at semifinals.  

Salamat sa mga mahusay an top lane plays ni Choi “Doran” Hyeon-joon at ang nakakabilib na synergy nina Peyz at Yoo “Delight” Hwan-joong, nasarado nila ang serye.

Ito ang kaniyang istorya kung paano niya tinahak ang kaniyang kasikatan.



Ang nakaka-intrigang backstory ni Peyz  

League of Legends Gen.G Peyz
Credit: Riot Games

Habang pinagkakaabalahan ng mga kaibigan niya ang university entrance exams, pagkuha ng tutor, at pag-attend ng mga private extracurricular academies, kumuha naman si Peyz ng home-based tutor. Pero para sa paglalaro ng LoL.  

“When I told my parents that I wanted to be a professional League of Legends player, my mom’s friend introduced me to a former professional player who would come by my house to help me rank up,” ibinahagi niya sa ONE Esports. 

Dadalaw ang kaniyang tutor sa kanilang bahay dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo para magturo ng mga tips at tricks para makaangat siya ng rank. Dahil sa mga lessons na ito, nahasa niya ang mga iilang champions para maging mas magaling na solo ranked player, dahil importante na makakuha siya ng mataas na LP para makuha ang atensyon ng mga professional teams—ang ultimate goal ni Peyz.  

“He told me that if I wanted to get noticed by professional teams, I would need to start off by having a higher rank, and that’s where we started,” sabi niya. Ngunit matapos niyang matuto sa kaniyang tutor, nag-plateau siya. 

Matapos mapagtanto na siya ay “stuck”, tinanong ng kaniyang nanay ang tutor na tumira sa kanila at magbigay ng round-the-clock coaching.  

Sumangayon naman ang tutor at tumira sa bahay nila Peyz ng isang buong buwan at tinuruan siya buong araw. Ang intense na tutoring na ‘to ang nakatulong sa kaniya malagpasan ang mga limits niya. Ilang araw lang matapos ang isang buwan na tutoring session, nakatanggap siya ng isang life-changing na mensahe mula sa Gen.G.


Sinimulan ni Peyz ang kaniyang professional career sa Gen.G Academy 

League of Legends Gen.G Peyz LCK Spring 2023
Credit: Riot Games

Tinanggap niya ang pwesto sa academy team ng Gen.G, at isang taon makalipas ay lumahok siya sa Challengers kung saan nagpakitang-gilas siya at napansin ng main roster.  

Noong taon na ‘yon, sa LCK Summer 2022, winalis ng main roster ang T1 sa finals para maging kampeon sa unang pagkakataon para sa organisasyon. Lumahok sila sa Worlds 2022 bilang paborito ng lahat, ngunit natalo sila sa DRX na naging kampeon, 3-1.  

Ito ay isang nakakagulat at nakakadismayang ending para sa Gen.G. Ngunit ito ang naging umpisa para kay Peyz. Ang core bot laner ng team na si Park “Ruler” Jae-hyuk ay umalis para sumal isa JD Gaming sa LPL.  

Noong panahon na ‘yon, nagtaka ang mga fans kung sino ang may kayang pumalit sa role na ‘yon. Matapos ang anunsyo, ibinahagi ng mga fans ang kanilang pagdududa sa rookie na minamahal natin.  

“I was able to adapt to the environment very quickly,” ibinahagi ni Peyz. Hindi siya kinabahan buong season, pati na sa finals. Tinawag niya itong “second nature” niya—kung saan pokus siya sa paglalaro ng kaniyang “best” at tiniyak niya na hindi siya maging pabigat sa kaniyang team.  

Marami siyang mga layunin na gusto niyang tuparin: gusto niyang umabot sa Worlds finals at maglaro laban sa kaniyang dating counterpart na si Ruler. Noong narinig niya na binanggit ni Ruler sa isang panayam na hindi magiging madali ang paglalaro laban sa kaniya, rumesponda si Peyz ng, “I know it will be hard; I will just have to try my best.”  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa esports.

BASAHIN: Paano ma-unlock lahat nang Valorant agents at League of Legends champions gamit ang Xbox Game Pass