Kung ano ang nais ni Nas, nakukuha ni Nas.

Mula sa pagiging cowboy hanggang sa pagkakakulong sa Montero State Prison, papasukin ni Lil Nas X ang gaming at esports sa pamamagitan ng isang League of Legends collaboration.

Nakipag-partner ang Montero signer sa Riot Games para sa opisyal na Worlds 2022 anthem, ang Star Walkin’, dagdag pa ang bagong prestige K’Sante skin.

Inanunsyp ng Riot ang balita sa pamamagitan ng isang nakakatawang video ng two-time Grammy Award-winning artist kung saan nag-take over siya sa headquarters ng kompanya bilang bagong president nito.



Kakantahin ni Lil Nas X ang Worlds 2022 anthem sa finals na nakaktda sa ika-5 ng Nobyembre

Lil Nas X
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Pinapakita sa video ang pantasya ni Lil Nas X bilang top dog ng Riot Games sa istilo ng isang mockumentary. Makikita ang music artiste na naglalakad sa pasilyo ng opisina at nakikihalubilo sa ibang mga empleyado.

Nag-request pa nga si Nas na gumawa ng nude Udyr champion skin na tinawag niyang “Nudyr”, at pinaniniwalaan niyang iyong ang magiging best-selling skin of all time. Nag-post pa nga ang Riot ng render nito sa Twitter—malinaw na siniseryoso nito ang bagong presidente.

Pero hindi pa diyan nagtatapos ang jokes. Sa opisyal na League of Legends Twitter account, ginawa ng Riot ang profile name nito na “LoLNasX” at pinalitan ang litrato gamit ang larawan ng singer.

Nag-tease din ang Riot ng ilang bahagi ng Worlds 022 anthem at maririnig mo rito ang isang snippet ng kanta sa isang sketch kung saan nilagay ni Nas ang anthem sa mga appliances sa opisina tulad ng fridge at photocopier.

Bibida rin si Lil Nas X sa Worlds 2022 final sa San Francisco sa ika-5 ng Nobyembre sa pamamagitan ng isang performance sa Chase Center. Hindi bago para sa Riot ang engrandeng opening acts at pinangako ni Nas na ito ang magiging “biggest, coolest, sexiest Worlds in the history of all Worlds.”

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Dagdag pa sa Worlds anthem, nag-co-design din si Lil Nas X ng cosmetic skin para sa paparating na LoL champion na si K’Sante. Opisyal na pinangalanang Prestige Empyrean K’Sante, ang skin ay ilalabas sa ika-3 ng Nobyembre at maaaring ma-unlock ito ng mga manlalaro gamit ang Worlds 2022 tokens—pwedeng ipunin sa pamamagitan ng pagkumpleto ng in-game missions—hanggang ika-14 ng parehong buwan.

Ang kantang Star Walkin’ ay magde-debut sa ika-23 ng Setyembre, pero pwede niyo na itong pre-save sa Spotify at Apple Music.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-venture si Lil Nas X sa mundo ng League of Legends. Noong nakaraang taon lang, nakipag-team up ang singer sa 100 Thieves at kinanta ang kanyang hit song na Industry Baby sa headquarters ng organisasyon.

Maaari niyong i-check out ang buong video sa ibaba:



Para sa mga balita patungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa akda ni Joseph “Jagwar” Asuncion ng ONE Esports.


BASAHIN: Gamer’s Paradise Episode 3 recap: Sino ang best jungler sa League of Legends?