Kapag iniisip natin ang mga Worlds winners sa League of Legends sa nagdaang mga taon, isang pangalan lang ang halos laging pumapasok sa isipan natin — si Lee “Faker” Sang-hyeok.

Ang supertar ng League of Legends Champions Korea (LCK) ay itinatag niya ang kanyang sarili bilang greatest of all time sa larangan, na nanalo ng tatlong titulo sa Worlds noong 2013, 2015, at 2016 kasama ang kanyang koponan na SK Telecom T1 (ngayon ay T1).



Muntik nang matupad ng Unkillable Demon King ang kanyang layunin na maging four-time champion sa Worlds, ngunit na-sweep ng Samsung Galaxy sa final noong 2017, at tinalo ng DWG KIA 3-2 sa semifinals ng Worlds 2021.

Sa pamumuno ng T1, ang mga koponan ng LCK ay nagdomina sa Worlds sa pagdaan ng mga taon. Ang Korean league ay may anim na World Championship titles, na napanalunan ng T1, Samsung White, Samsung Galaxy, at DAMWON Gaming.

Sa mga nakalipas na taon, ang League of Legends Pro League (LPL) ay naging isang pangunahing contender para sa Summoner’s Cup. Ang mga nagwagi ng championship na Invictus Gaming ay nagtala ng kasaysayan bilang unang koponan ng LPL na nagwagi sa Worlds noong 2018, sinundan ng FunPlus Phoenix noong 2019, at Edward Gaming noong 2021.

Ang pag-angat ng liga ng China ay kapansin-pansin din sa Mid-Season Invitational (MSI).


Lahat nang LoL Worlds winners sa nagdaang mga taon

TAONKAMPEONREHIYONPRIZE EARNINGSPRIZE PERCENTAGE
Worlds 2011FnaticEUUS$50,00050%
Worlds 2012Taipei AssassinsLMSUS$1,000,00050%
Worlds 2013SK Telecom T1LCKUS$1,000,00048.78%
Worlds 2014Samsung WhiteLCKUS$1,000,00046.95%
Worlds 2015SK Telecom T1LCKUS$1,000,00046.95%
Worlds 2016SK Telecom T1LCKUS$2,028,00040%
Worlds 2017Samsung GalaxyLCKUS$1,855,11437.5%
Worlds 2018Invictus GamingLPLUS$2,418,75037.5%
Worlds 2019FunPlus PhoenixLPLUS$834,375*37.5%
Worlds 2020DAMWON GamingLCKUS$556,250*25%
Worlds 2021Edward GamingLPLUS$489,500*22%
Worlds 2022DRXLCKUS$489,500*22%
Worlds 2023T1LCKUS$445,000*20%

*Ang mga numero ay base sa minimum granted prize pool na US$2,225,000. Ang porsyento ng in-game sales ay hindi pa naisasama sapagkwenta ng mga ito.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Mga achievement ni Faker sa kanyang 10-year LoL career