Bigla na lang binuff ng Riot si Lulu ng walang rason. Bilang hindi siya pinakielaman sa Season 11, ang patch 11.9 ng League of Legends ay papalakasin ang kaniyang early game.

“She’s been pretty much the best support enchanter in the game for many years now,” sabi ni Tim “Nemesis” Lipovšek sa Nick “LS” De Cesare’s patch rundown. “Seems like for one patch she’s not preforming as well, [so they’re gonna buff her back.”

Kahit na mayroon lamang siyang 42.9% win rate sa mga major professional leagues sa Spring 2021, ang mga one-off na beses kung saan siya ay ginamit ng DWG KIA top laner na si Kim “Khan” Dong-ha at ni Zhang “Zoom” Xing-Ran ng JD Gaming ay nagresulta sa magandang kinalabasan.

Pero ang LCS ang region na nakakita ng pinamagandang resulta sa kaniya, bilang na-maintain ang kaniyang 57.1% win rate mula sa pitong laro na ginamit siya bilang top laner at support.

W – Whimsy 

  • Cooldown ay bumaba mula sa 16/15/14/13/12 patungong 15/14/13/12/11 segundo 
  • Ally cast bonus attack speed ay tumaas mula sa 20/23.75/27.5/31.25/35% patungong 25/27.5/30/32.5/35% 

Nagdagdag pa ang Riot ng 5% bonus attack speed sa level one, at 4% pa sa level 2 na itinuturing mga mahalagang mga numero.

Flexed top, mid, at support, ay didepende sa match up at team composition, ngunit asahan nang I-ru-rush ng mga Lulu players ang Battlesong ni Shurelya, lalong-lalo na matapos lumabas ang mga Moonstaff nerfs sa nakaraang patch.

Credit: Riot Games

“She’ll probably be accompanied by hypers or bruiser hypers like Irelia,” paliwanag ni LS. “Lulu can just amplify them, different from other enchanters because typically other enchanters can only shield or heal. They can’t do attack speed plus shield plus movement speed. So with Shurelya’s, she’s just busted.”

Sa kabilang dako naman, naniniwala si Nemsis na wala siyang magagawang pagbabago sa MSI 2021 dahil sa mga mabibigay na engage support meta na sinakop nina Rell, Alistar, Nautilus, at Leona.

Basahin ito para sa full League of Legends 11.9 patch notes