Bawat taon, nakikipag-bakbakan ang mga best teams ng League of Legends mula sa iba’t-ibang sulok ng mundo para maging MSI champions.
Ang Mid-Season Invitational ay isang annual offline competition na ginaganap sa pagitan ng una at dalawang splits ng lahat ng rehiyon.
Ang mga kampeon ng bawat rehiyon ay magkakaroon ng pwesto sa kompetisyon, kung saan haharapin nila ang best teams para sa isang pagkakataon makamit ang international glory.
Pinakamaraming tropeo ang nasungkit ng LPL, matapos manalo laban sa Edward Gaming sa 2015 at Royal Never Give Up sa 2018, 2021, at 2022, at laban sa JD Gaming noong 2023.
Dating makasaysayan ang panalo ng RNG noong nanalo sila ng tatlong MSI titles, matapos matalo ang T1 3-2 sa isang thrilling best-of-five series sa MSI 2022 Final na ginanap sa Busan, South Korea.
Lahat ng LoL MSI winners

| EVENT | WINNERS | PRIZE EARNINGS |
| MSI 2015 | EDward Gaming | US$100,000 |
| MSI 2016 | SK Telecom T1 | US$250,000 |
| MSI 2017 | SK Telecom T1 (later renamed T1) | US$676,000 |
| MSI 2018 | Royal Never Give Up | US$527,650 |
| MSI 2019 | G2 Esports | US$400,000 |
| MSI 2021 | Royal Never Give Up | US$75,000* |
| MSI 2022 | Royal Never Give Up | US$75,000* |
| MSI 2023 | JD Gaming | US$50,000* |
| MSI 2024 | TBD | TBD |
- Kumpletong listahan ng mga League of Legends players na may pinakamaraming World Championships
- Kumpletong listahan ng mga podiun finishes ni Faker sa kaniyang 10-year League of Legends career
Ang MSI 2021, 2022, at 2023 prize figures ay nakabase sa minimum na guarantisadong prize pool. Hindi kasama ang kita mula sa in-client sales sa mga MSI winners.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang kwento tungkol sa LoL.
BASAHIN: Visual at gameplay update binago ang Skarner skins at splash art