Ang patch 11.9 ng League of Legends ang Mid-Season Invitational patch, at ito ang magtatakda ng meta ng international tournament na ito.

Hindi lang na-buff si Kindred sa bagong patch 11.9, pero pati na rin sa nakaraang 11.7. Ang marksman jungler na si Kindred ay napili 22 na beses lamang sa Spring dahil sa kaniyang 50% win rate sa mga major professional leagues.

Sa Patch 11.7, dalawang abilidad ang na-buff:

Q – Dance of Arrows 

  • Bonus damage ratio tumaas mula sa 65% AD patungong 75% AD 

E – Mounting Dread 

  • Cooldown bumaba mula sa 16/15/14/13/12 patungong 14/13/12/11/10 segundo

Ngunit sa tingin ng Riot, nahihirapan pa rin si Kindred sa jungle, kaya ito ay gumawa ng mga pagbabago para sa isang “mas malakas na mid-game power spike.” Kaya sa kasalukuyang patch 11.9, ang Q niya ay na-buff ulit:

Q – Dance of Arrows 

  • Cooldown bumaba mula sa 9 patungong 8 seconds 
  • Base damage tumaas mula sa 60/80/100/120/140 patungong 60/85/110/135/160

Ang pag-buff nang dalawang beses sa bread and butter na ability ni Kindred sa nakaraang tatlong patches ay isang malaking bagay. Mas maganda ang scaling ng Dance of Arrows at ito ay may 20 pang karagdagang base damage sa max level. 

Ang pinakaimportante, ang cooldown niya ay bumaba ng isang segundo, kasabay ng kaniyang crippling E na abilidad, na magbibigay ng mas maraming leeway para magamit ni Kindred ang mga ito sa mga extended team fights.

https://www.youtube.com/watch?v=dy7SEZ4sFAQ

Ang kaniyang kasalukuyang high ELO ranked win rate ay nanatiling mas mababa sa average na 48.42% ngunit hindi naman naging isang magaling solo queue champion si Kindred dahil ang pagkuha ng marka ay may kailangan na team coordination.

Sa pangkalahatan, ang mga buffs na ito ay maaring maging sapat na para itulak ito para maging isang hypercarry sa solo lane, lalo na sa pro level.

Kung hindi man, asahan niyo na maging isa sa mga top junglers si Kindred sa MSI 2021 kasama si Udyr, lalo na’t na-nerf si Hecarim.

Basahin dito ang full League of Legends 11.9 patch notes