Sa League of Legends World Championship (Worlds) 2020, ang laban sa pagitan ng G2 Esports at Suning na yata ang pinakamagandang nasaksihan ng mga fans. Mahusay ang ipinamalas ng magkabilang team sa series na siyang ipinanalo ng G2.

Mula sa casters hanggang sa mga manonood, ang lahat ay nakatutok nang talunin ng mga hari ng Europa ang mga leon ng China. Kabilang sa mga nanonood ay ang substitute bot laner ng G2 na si Kristoffer “P1noy” Albao Lund Pedersen, na ramdam ang tensyon at pressure ng paglalaro sa international stage. Para sa kanya, “each win really matters a lot” dahil malaki ang nakataya sa Worlds.

“It’s also more intense to watch Worlds stages because these games actually mean a lot while when we’re watching backstage in Europe, we always know that we are gonna win, right?”

At halata naman sa IGN nya, ang substitute player ng G2 na si P1noy ay half Danish, half Filipino. Nakilala si P1noy bilang Doublelift slayer, nang wasakin nya si Yiliang “Doublelift” Peng gamit ang signature champion nyang Graves noong nasa Gambit Esports pa s’ya noong 2015.

Bilang isang proud Filipino, natutuwa si P1noy sa positivity na pinapakita ng mga kababayan nya tuwing maglalaro sya. Nakakataba raw ng puso ang suporta ng mga fans kahit sa maliliit na bagay lang.

“You know they’re with you all the time and if it’s a bad time they don’t start hating on you. (Instead) they’re more supportive like ‘Oh you did well, you can do better.’ It’s just what I love about the Philippines.”

Nag-sub si P1noy kay Luka “Perkz” Perković nung magpahinga ito sa kalagitnaan ng Summer Split. Mataas ang tingin nya sa Croatian AD carry na si Perkz dahil “he knows the right things to do if you want to win.” Marami nang dinalang panalo at tropeo si Perkz sa G2 Esports, nakilala sya dahil sa kanyang “lane kingdom” hindi lang sa LEC kundi pati na rin sa Mid-Season Invitational. Kasama ang mid laner na si Rasmus “Caps” Winther, sila ang mga kinilalang kilabot ng European League of Legends scene.

Credit: LoL Esports

Isang beses lang nasaksihan ng mga European fans ang husay ni P1noy sa Summer Split, pero sinigurado nya na masigasig ang pagtulong nya sa G2 Esports kahit hindi sya nakikita sa eksena.

“I just try to give as much input as I can like, these players are (already) so knowledgeable so it’s also limited to what I can provide them,” paliwanag ni P1noy.

“I’m just like, goof alright, I’m just trying to have fun with all of them, being a good friend, and trying to bring the mood up when some scrims aren’t going well right. I’m just there to lighten up the mood.”

Dahil ‘di naging maganda para sa kanila ang season noong nakaraang Summer, ang goal ng G2 Esports para sa taong ito ay maitaas ang Summoner’s Cup ano man ang mangyari. Sabik silang gumanti sa LPL matapos silang matalo ng 3-0 laban sa FunPlus Phoenix noong Worlds 2019.

“I feel like this group of people are definitely set to do it, they were so close last year,” sabi ni P1noy.

Para magawa ‘to, kailangan ng G2 na makalabas sa Group Stage at makapasok sa Quarterfinals. Kasama nila sa grupo ang Suning, Machi Esports, at Team Liquid, at wala silang mamaliitin sa mga ‘to ayon kay P1noy.

“Even though we beat what was supposedly the strongest team, we still need to focus so we don’t drop the ball against the so-called worst teams than Suning, right. So just one step at a time and yeah, we just gotta grind it out,” sabi ni P1noy matapos ang laro ng G2 laban sa Suning.

Sinabi rin nya sa ONE Esports na pinaghirapan ng G2 na magkaron ng malakas na mid-jungle composition para maka-adapt sa meta ng Worlds. Naisip nila ‘to matapos makipag-scrim sa ibang LPL teams.

“So yeah every game you’re gonna see a lot of mid-jungle invading enemy second raptor (spawn),” paliwanag ni P1noy. Inamin din nya na nag-todo effort ang G2 para bumagay sa Worlds meta ang Caps-Jankos duo. “Everyone else is just trying to fit in and put their champs around that as well so.. It’s a heavily mid-jungle focused Worlds so we’re trying to adapt to that as well.”

Nagkaroon ng konting pahinga ang G2 Esports bago magsimula ang Group Stage, kaya sinimulan nila ang kanilang post-quarantine tour sa pamamagitan ng pag-celebrate ng 22nd birthday ni Perkz sa isang hotpot place sa Shanghai.

Hanga si P1noy sa Shanghai dahil sa mga matataas na building, bagay na wala sa hometown nya sa Denmark.

“I feel like it’s so fascinating to watch how beautiful Shanghai actually is,” sabi ng bot laner. “At night when all the buildings are lighting up, it’s so surreal right, because I’m used to something else and it just also wants me to go out more because I feel like Shanghai has so much different culture. It has everything to offer and I really just like wanna go out in the city more.”

Credit: LoL Esports

Sinabi rin nya na tuwing off day, lumalabas silang magkakasama dahil napapatibay nito ang bond sa pagitan ng mga players at coaching staff sa labas ng Rift.

Credit: G2 Esports