Papalapit na nag papalapit ang League of Legends World Championship (Worlds) kaya naman sabik na ang mga fans sa inihahanda ng Riot Games na opening act sa pagbubukas nito.

Pinatikim na tayo ng Riot ng magilas na K/DA All Out comeback noong nakaraang Worlds 2020. At sa nalalapit na pagbubukas ng Worlds 2021, maraming nagpapalagay na katatampukan ng Pentakill band ang pinakamalaking event sa mundo ng LoL.

Bunga ang mga haka-haka ng isang teaser countdown na inilabas ng Riot Games Music Twitter noong nakaraan, kung saan nagpatakam na mas maraming detalye ang ilalahad pagdating ng September 8. 

Heto ang tatlong mga senyales na naghahanda na ang Pentakill band para sa isang malupit na comeback. 


3. ‘Rock On’ emoji ang twitter response ng Riot Games

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Bilang reply sa tweet na inilabas ng Riot Games Music, sumagot ang main Riot Games account ng isang “Rock On” emoji. Ang emoji o hand sign na ito ay madalas iniuugnay sa heavy metal music, na nagkataon namang genre ng music ng Pentakill band.


2. Pentakill band style at color

Credit: Riot Games Music

Sa unang sulyap sa tweet na inilabas ng Riot Games Music, mapapansin ang dark background na may mettalic bronze color na swak sa colorway ng banda. Pasok din ang mga design elements sa nasabing tweet sa Smite at Ignite album art ng Pentakill Band.


1. Third album ng Pentakill

Credit: Riot Games and LoL Esports

Ang maangas na performance ng banda sa 2021 LCS Spring Final ay simula pa lamang ng mga proyekto ng Pentakill band. Kinumpirma ng Riot Games Creative Director na si Christian“Praeco” Linke sa unang bahagi ng taon na nasimulan na ng banda ang ikatlo nilang album.

Kabilang sa discography ng Pentakill band ang “Smite and Ignite” na inilabas noong 2014, at “II: Grasp of the Undying” na ibinahagi naman ng Riot noong 2017.

Maaasahan na kaya ng mga LoL fans ang pagbabalik ng mala-alamat n abanda na ito? Sila na ng aba ang magiging opening act sa Worlds 2021?


Members ng Pentakill band

Credit: Riot Games

Ang Pentakill ang virtual metal band ng League of Legends na kinabibilangan nina:

  • Pentakill Karthus – lead singer
  • Pentakill Kayle – vocalist
  • Pentakill Mordekaiser – lead guitarist
  • Pentakill Olaf – drummer
  • Pentakill Sona – keyboardist
  • Pentakill Yorick – bassist