Kamangha-mangha ang bagong pink hairstyle ni Twice Chaeyoung na una niyang ipinakita sa “Taste of Love” album trailer ng grupo.

Nabighani ng South Korean rappers ang maraming tao lalo na ang mga League of Legends fans sa kanyang fresh na fresh na datingan.

Si Chaeyoung ang Seraphine sa tunay na buhay

Ang sikat na K-pop girl group na Twice ay papasok ngayon sa bagong era ng kanilang music sa papalapit nilang paglabas ng kanilang 10th EP na pinamagatang Taste of Love.

Lahat ng siyam na miyembro ay magpapakita ng kanilang mga bagong looks kasama na rito si Chaeyoung.

Ito ang unang pagkakataon na nagpa-perm locks na pink si Twice Chaeyoung. Matatandaang pink din ang buhok ng idol sa kanilang Twice “Fancy” era. Ang pagkakaiba ngayon ay napapaikot na niya ito sa magagandang locks dahil mas mahaba na ang kanyang buhok. 

Kamukhang-kamukha ng hairstyle na ito ang League of Legends mage champion at virtual songstress na si Seraphine. Noong nakaraang taon lang naging playable ang character na ito sa pambatong multiplayer online battle arena (MOBA) game ng Riot Games.

Dahil sa pagiging look-alike ng dalawa, marami ng nagsasabing napakadali kay Chaeyoung na maging bida sa live-action version ng LoL champion.

Hindi ka parin kumbinsido? Pagmasdan mo si Twice Chaeyoung at ang kanyang pink hair sa mga litratong ito:

Bukod sa pagiging parehong idols na may rosey na hairstyles, marami ring pagkakapareho ang dalawa. Parehong tampok sa single na “More” si Twice Chaeyoung at Seraphine. Hango ang kanta sa “All Out” EP ng LoL’s virtual girl group K/DA.

Mahalina kay Twice Chaeyoung sa “Taste of Love”

Maaaring mapanood si Chaeyoung kasama ang kanyang mabangis na bars at ang kaakit-akit na pink hairdo sa Twice “Taste of Love” mini-album. Base sa kanilang album trailer, Lati rhythmic styles at summer vibes ang magiging tema ng bagong labas nilang EP.