Kung meron mang isang mage hero sa Mobile Legends: Bang Bang na may pinakamalakas na damage, pinakamahabang stun, at kayang maging halimaw sa buong match, ito’y walang iba kundi si Selena.

Mahusay na pick si Selena sa kahit anong team composition. Siguradong magmi-Mythic ka pag na-master mo sya at ganito rin ang tingin ng mga pros. Sa MPL PH, si Selena ang isa mga most banned heroes, at madalas din syang napi-pick kapag open.

Pano nga ba maka-counter si Selena? Narito ang 3 heroes na magpapadali ng buhay mo laban sa Abyssal Witch.


3. Diggie

MLBB Diggie
Credit: Moonton

Una sa listahan ay ang Timekeeper na si Diggie. Maganda syang pantapat kay Selena dahil sa kanyang ultimate na Time Journey, na nagtatanggal ng stun ng Abyssal Arrow.

Bukod dito, kaya rin ni Diggie pigilan ang combo ni Selena gamit ang Reverse Time, at ma-burst down ito gamit ang Auto Alarm Bomb.

Ang feeding Diggie strategy ay gumagana din laban kay Selena, para hindi sya makapagtago sa mga bushes at makapag-set up ng mga Abyssal Arrow plays.


2. Khufra

MLBB Khufra
Credit: Moonton

Karaniwang strategy na ng Selena na guluhin ang core ng kalabang team sa jungle sa unang 5 minuto ng game. Si Khufra ang perfect na tank para pigilan syang mangulit sa inyong core.

Lahat ng ability nya ay may crowd control, na magiging sakit ng ulo ni Selena. At ang Bouncing Ball ni Khufra ay kayang pigilan ang Soul Eater-Garotte combo ni Selena.


1. Kagura

MLBB Rain Walk Kagura
Credit: Moonton

Si Kagura ang pinakamagandang mage choice kung gusto mong malamangan ang Abyssal Witch sa mid lane. Tinatanggal ng Rasho Umbrella Flee ang stun ng Abyssal Arrow, kaya pwedeng pwede kang pumalag.

Kadalasan, sapat na ang isang combo ni Kagura. Napaka-effective ng Yin Yang Overturn laban kay Selena dahil sa knock back nito, pwede rin syang ma-stun gamit ang Seimei Umbrella Open.

Sa huli, mananalo pa rin ang may mas mabilis na daliri. Pero sa patas na matchup, lamang na lamang pa rin si Kagura.