Andito na ang ikalimang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 7 at may ilang mga laban na hindi mo dapat palampasin.
Mula sa labanan ng mga pinakamagagaling hanggang sa mga magkakaribal na mga teams, siguradong hindi malilimutan bakbakang magaganap sa Week 5.
Narito ang tatlo sa mga pinakamagagandang matchups ng lingo. Huwag na huwag nyong palalampasin!
April 29 – Bren Esports vs Blacklist International

Ang undefeated na Blacklist International ay haharap sa M2 World Champion Bren Esports!
Matumal ang simula ng Bren Esports, pero unti-unti nang bumabalik ang kanilang porma at nararamdamamn na ang paglakas nila sa bawat laro. Sa kabilang banda, hindi sila aatrasan ng Blacklist International bilang kaisa-isang team na walang talo sa record na 7-0.
Ang dalawang higanteng ito ang pinapaborang manalo sa season na ‘to, magiging patikim ang laban na ‘to sa kung anong mangyayari pagdating ng playoffs.
April 30 – Execration vs Blacklist International

Execration ang susunod na kalaban ng Blacklist International pagkatapos ng Bren Esports. Depende sa magiging resulta ng paghaharap nila ng Bren, ang laban na ‘to ang susubok sa kung paano pumalag sa mga beteranong teams ang Blacklist International.
Sapat ba ang K duo nila Kielvj at Kelra para ma-crack ang code ng Blacklist International? O mangingibabawa pa rin ang team na pinangngunahan ni OhMyV33NUS?
May 2 – Work Auster Force vs Execration

Ipapamalas ng Work Auster Force ang tibay nila sa tournament sa pagharap nila sa mga beteranong Execration. Ipinakita ng mga rookie na ‘to na wala silang problema sa pag-adapt sa meta matapos nilang talunin ang mga higit na eksperyensadong AURA Philippines at ONIC Philippines.
Sa kabilang banda, ang panalo ng Execration ay mangangahulugang ang pwersa ni Z4pnu at ng kanyang squad ay sapat na para makipagsabayan sa mga mas malalakas na teams gaya ng Bren Esports at Blacklist International.
Mapapatunayan ba ng Work Auster Force na sila ang mas mahusay, o uuwi ba sa kamay ng Execration ang tagumpay?