Nilabas na ang latest Mobile Legends: Bang Bang patch 1.5.88. Maliban sa mga bagong abilidad, items, at mechanics, mayroon ding mga bagong skins na magugustuhan ng karamihan.

Worth it ba ang skins sa patch 1.5.88? 

Sa mabagal ngunit steady na paglabas ng Project: NEXT content, paunti-unting iniimprove ng Moonton ang visuals ng laro. Mga improvements tulad ng pagayos ng outdated splash at character models ay isinasagawa simula pa noong nakaraang taon.

Sa nasabing iyon, marami ding imrprovements ang naisagawa sa mga paparating na skins. Wala nang landas na pupuntahan kundi sa itaas para sa mga heroes at mga skins nila.

Ito ang tatlong skins sa patch 1.5.88 na magkukumbinse saiyo na subukan ang skins ngayon.

3. Eyes of Eternity Lunox 

Credit: Moonton

Ang Eyes of Eternity Lunox ang kaunaunahang skin na nilabas matapos ang patch 1.5.88. Ang skin na ito ay kakaiba sa iba pang mga skins ni Lunox, dahil mayroon itong mas madilim na tema kumpara sa kaniyang nakakatawa at cute na skins sa nakaraan.

Ngunit para maging patas, ang overall na tema ng skin ay angkop sa kaniyang playstyle. Sa gothic-themed skin na ito, nagtatapon na si Lunox ng skills na mayroong medieval diagrams tulad ng kaniyang pakpak at marami sa kaniyang mga abilidad ay inimprove para magbigay ng sinauna ngunit mahiwagang feel sa kaniya. 

2. Foreseer Esmeralda 

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Para tapusin ang superhero-themed skins na serye ay ang paglabas ng Foreseer Esmeralda, ang huling superhero skin. Sa lahat ng skins sa patch 1.5.88, ang foreseer Esmeralda ay isang paborito dahil siya ang una at natatanging babaeng hero sa superheroe line ng mga skins.

Ang mga abilidad niya ay tulad sa mga nakaraang superhero skins. Halimbawa, sa tuwing mag-cacast siya ng kaniyang ultimate na Falling Starmoon, isang comic panel ang lalabas sa itaas niya bago siya lumipad. Isang comic text ng salitang “Boom!” ang lalabas pagkatapos niyang lumanding sa isang direksyon. 

Bagamat wala pang araw kung kailan opisyal na ilalabas ang skin, asahan mong ito ay magiging available sa loob ng limitadong oras lamang.

1. Crow Magician Kaja 

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Ang Eternity Eyes Lunox at Foreseer Esmeralda ay mga magagandang skins sa patch 1.5.88, ngunit maaring maging magastos ito para sa mga free-to-play players.

Sa kabutihang-palad, ang Crow Magician Kaja ay libre para sa mga players na makakaabot sa Masters rank at pataas bago matapos ang season 20.

Ang Crow Magician Kaja ay mayroon sa isa sa pinaka-detalyadong season reward skin na maaring ikumpara sa mga skins na binabayaran. 

https://www.youtube.com/watch?v=4hmgtyUoUw0
Leg

Ito lamang ang iilan sa mga skins sa patch 1.5.88 na inanunsyo. Siguraduhing bisitahin ang Facebook page ng Mobile Legends: Bang Bang kung gusto mo makatanggap ng mga latest update tungkol sa mga paparating na skins para sa patch na ito.