Mukhang hindi man pasok sa kasalukuyang meta, may iilang Mobile Legends: Bang Bang o MLBB marksman heroes na hindi lang swak sa gold lane at jungle kundi pwede ring ilagay sa mid lane.

May konsiderasyon nga lang na dapat isaalang-alang kung gagawin ito. Dapat ay mayroon kayong kakamping hero na may magical type damage sa kung saan mang role upang maging balanse pa rin composition.

Hindi required na magtalaga ng mage bilang gold laner. Pwede pa rin kayong gumamit ng dalawang marksman at ang magical damage ay pwedeng manggaling sa jungler, EXP laner o sa roamer.

Kung gagawin niyo ang naturang stratehiya, narito ang tatlong MLBB marksman na mairerekomenda namin na pwedeng ilagay sa mid lane.


3 MLBB marksman heroes na epektibo rin bilang midlaners

Brody

Brody, isang MLBB marksman
Credit: Moonton

Isa sa pinakamasakit sa early game ang poking damage ni Brody. Tumatagos ang kanyang first skill na Abyss Impact sa mga kalaban sa likod kaya naman madali siyang nakakapag-clear ng minion waves.

Kaya niya rin makipagsabayan sa mga mage hero at isa siya sa iilang marksman na kayang pumasok at lumabas sa isang laban kung kinakailangan. Dahil dito, pasok and The Lone Star sa mga MLBB marksman na epektibo sa mid.


Natan

Credit: Moonton

Nawala si Natan sa meta sa mga nakalipas na buwan dahil sa mga nerf na natanggap niya. Pero dahil nabigyan siya ng buff sa kanyang base physical attack at physical attack growth sa bagong patch, inaasahang magbabalik siya sa ranked games kung hindi man sa competitive scene.

Kabilang si Natan sa may pinakamalalakas na late-game potential dahil sa kanyang passive na Theory of Everything na nagpapabalik ng projectile ng kanyang basic attack, at pinaghalong physical at magical damage. Mataas din ang mobility niya dala ng kanyang ultimate na Entropy. Kaya naman swak siya bilang MLBB marksman hero na gana rin sa mid.


Claude

Credit: Moonton

Imbes na si Beatrix, mas pinili namin si Claude bilang isang MLBB marksman hero na epektibo rin sa mid lane. Bagamat medyo mahina sa early game, mas madali kasi siyang nakakakuha ng stacks sa kanyang first skill na Art of Thievery at mas mabilis na nakakapag-farm kapag nasa mid.

Pwede rin gamitin ni Master Thief ang mga jungle creeps sa paligid para mapanatili ang kanyang stacks. Basta maingat lang sa early game at matyaga sa pag-farm, siguradong lalabas siyang halimaw pagsapit ng mid hanggang late game.

Para sa iba pang MLBB guides tulad nito, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Salin ito ng akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.