Sa isa nanamang makasaysayang pagkakataon, kabilang ang Mobile Legends: Bang Bang bilang medaled event sa ika-31 Southeast Asian Games.

Tampok sa 31st SEA Games MLBB discipline ang pitong bansa—Pilipinas, Indonesia, Singapore, Laos, Malaysia, Vietnam, at Myanmar. Paglalaban-labanan ng mga ito ang gintong medalyang nauwi noon ng Pilipinas noong 2019.

31st SEA Games MLBB: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood
Credit: ONE Esports

Narito ang mga detalye na kailangan mong malaman tungkol sa 31st SEA Games MLBB.

Schedule at resulta ng 31st SEA Games MLBB

Nakatakdang ganapin ang MLBB discipline sa esports category ng 31st SEA Games simula sa ika-18 hanggang ika-20 ng Mayo. Sa unang dalawang araw gagawin ang group stage at posibleng tiebreakers, habang sa huling araw naman ang grand final.

Group Stage

31st SEA Games MLBB: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood
Credit: ONE Esports

Mayo 18 (Miyerkules)

KOPONANSCHEDULEKOPONAN
Philippines2 – 0Malaysia
Laos0 – 2Myanmar
Philippines2 – 0Laos
Indonesia2 – 0Vietnam
Indonesia2 – 0Singapore
Singapore1 – 1Vietnam
Malaysia2 – 0Myanmar
Philippines2 – 0Myanmar
Malaysia2 – 0Laos

Mayo 19 (Huwebes)

Tiebreaker (Group B Rank 2)

KOPONANSCHEDULEKOPONAN
Vietnam0 – 1Singapore

Final Stage

31st SEA Games MLBB: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood
Credit: ONE Esports

Semifinals

KOPONANSCHEDULEKOPONAN
Philippines2 – 1Singapore
Malaysia0 – 2Indonesia

Bronze Medal Match

KOPONANSCHEDULEKOPONAN
Singapore2 – 1Malaysia

Mayo 20 (Biyernes)

Gold Medal Match

KOPONANSCHEDULEKOPONAN
Philippines3 – 1Indonesia

(I-a-update ang mga resulta ayon sa takbo ng mga laban.)

Format ng 31st SEA Games MLBB

Nahahati sa dalawang yugto ang turneo—ang group stage at playoffs.

Sa group stage, mahahati sa dalawang pangkat ang pitong kalahok. Kasama sa Group A ang Philippines, Malaysia, Laos, at Myanmar, habang nasa Group B naman ang Indonesia, Vietnam, at Singapore. Best-of-two, single round-robin ang format nito, kung saan makakakuha ang tatlong puntos ang mga mananalo, 1 puntos para sa tabla, habang wala namang puntos ang mapupunta sa mga matatalo.

Ang top two teams mula sa parehong grupo ay aabante sa single-elimination bracket. Haharapin ng top seed ng Group A ang second seed ng Group B, habang ang top seed naman ng Group B ang lalaban sa second seed ng Group A.

31st SEA Games MLBB: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood
Credit: ONE Esports

Lahat ng laban ay best-of-three maliban sa grand final na best-of-five.

Saan mapapanood ang 31st SEA Games MLBB

Masusubaybayan ang mga laban sa 31st SEA Games MLBB sa mga sumusunod na channels:

CHANNELLENGGWAHE
SEA Games 31 Viet Nam 2021 YouTubeVietnamese
MPL Philippines FacebookFilipino
Mobile Legends: Bang Bang (PH) FacebookFilipino
mplph_official TikTokFilipino
Mobile Legends Philippines TikTokFilipino
MPL Philippines YouTubeFilipino
MLBB Esports YouTubeEnglish/Filipino/Bahasa Indonesia
Mobile Legends: Bang Bang Official YouTubeEnglish/Filipino/Bahasa Indonesia

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Team Sibol, planong panatilihin ang pagiging overall esports champion ng Pinas sa SEA Games ngayong taon