Kasama sa Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.18 ang apat na hero revamps at ang pagdating ng bagong support hero na si Floryn

Sinama na din dito ang isang matinding nerf sa mga jungle marksmen heroes. Ngunit mayroon pang mga pagpipilian kung gusto mo pa din gumamit ng marksmen heroes sa jungle.

Ang kasalukuyang kalagayan ng jungle marksman sa Mobile Legends: Bang Bang 

Ayon sa Moonton, gusto ng developers taasan ang use rate ng marksmen sa mga higher ranks para sa patch 1.6.18, lalong-lalo na para sa mga wala sa meta nang matagal.

Ito ay habang gusto din nila ilipat ang mga ito mula sa jungle patungong gold lane.

Dahil diyan, binabaan nila ang damage reduction ng Retribution. Ang passive ng jungle blessing, ang Hunter, ay na-buff para sa lahat ng roles maliban sa marksmen. Ang ibig sabihin nito ang mga ranged heroes ay mas matindi na ang damage sa energy shield ng mga turrets.

Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay daan para mapunta sa gold lane ang mga marksmen kaysa sa jungle.

Kahit na, ito ang limang jungle marksman heroes na malakas pa din para mapanalo ka sa mga Mobile Legends: Bang Bang ranked games mo.

Manalo gamit ang 5 jungle marksman heroes na ‘to 

Granger 

5 jungle marksman heroes, Granger
Credit: Moonton

Nakatanggap si Granger ng buff sa patch 1.6.18 kaya siya ay isang solid pa din na jungle marksman. Ang unang skill niya, ang Rhapsody, ay nagdudulot na ngayon ng 90 extra physical damage sa mga jungle creeps.

Dagdag pa diyan, ang mga basic attacks ni Granger ay sapat na para maalis nang mabilisan ang mga jungle creeps kumpara sa ibang marksman heroes na kailangan ng isa o dalawang core items bago nila makamit ang power spike.

Yi Sun-Shin 

5 jungle marksman heroes, Yi Sun-Shin
Credit: Moonton

Nananatiling isang solid pick sa jungle si Yi Sun-Shin. Siya ang isa sa pinaka-versatile na assassin/marksman heroes na maaring lumipat mula sa range patungong melee nang walang hirap.

Maliban sa kaniyang mabangis na damage output, ang kaniyang ultimate, ang Mountain Shocker, ay nanatili sa isa sa mga best ultimate skills sa Mobile Legends. Hinahayaan nito makita niya kung nasaan ang kalaban kahit saan sa mapa at makakuha ng kills kahit na malayo siya sa team fight.

Roger 

5 jungle marksman heroes, Roger
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Tulad ni Yi Sun-Shin, maaring lumipat si Roger mula sa range patungong melee attacks, depende sa sitwasyon. Kakaiba si Roger dahil mas madali siyang laruin, at ang kaniyang anyong werewolf ay matindi ang damage sa mga assassins o marksmen na may mababang HP.

Mananatili si Roger bilang isa sa best jungle marksman na maari mong pagpilian sa Mobile Legends: Bang Bang.

Natan 

5 jungle marksman heroes, Natan
Credit: Moonton

Ang bagong labas na hero na ito ay isa sa mga top picks sa competitive play dahil sa basic attack niya lang ay maaring matunaw na kaagad ang mga kalaban. 

Ang negatibong aspeto lang kay Natan ay mayroon siyang mahinang early game, kaya asahan mo nang mabagal ang pagpatay kumpara sa ibang jungle marksman heroes. Ngunit kapag nakuha na niya ang kaniyang core items, hindi na mahahawakan si Natan dahil sa kaniyang intense na mobility at attack speed.

Bruno 

5 jungle marksman heroes, Bruno
Credit: Moonton

Huli sa lahat, si Bruno ang isa sa pinakamabigat na burst damage sa lahat ng mg marksman sa laro. Hindi man siya kasimbilis nina Natan o Roger, ngunit siya ang tipo ng jungle marksman na hindi na mapipigilan kapag nakumpleto na niya ang kaniyang full item build.

Sa unang parte ng laro, kailangan asahan ni Bruno ang roamer para tulungan siya sa jungle camp clearing. Kapag napulot na ni Bruno ang kaniyang core items, asahan mo ang patayan sa battlefield.