Mabilis na inaksyunan ng Alter Ego ang naganap na isyu kaugnay sa laban nila kontra EVOS Legends sa Week 6 Day 1 ng MPL Indonesia Season 9.
Sa nasabing match, may isang supporter ng AE sa studio ang labis na nanukso kay EVOS Legends veteran roamer Gustian “REKT”. Kalaunan ay napag-alaman na ang provocateur pala ay ang manager ng kanilang MDL team Alter Ego X na si Maldiansyah “Nocturn”.
Matapos ang kanilang match laban sa Rebellion Zion sa sumunod na araw, naglabas ng opisyal na pahayag ang koponan patungkol sa hindi kaaya-ayang pangyayari.
Alter Ego humingi ng pasensya kay REKT, tinanggal si Nocturn

Humungi ng paumanhin ang Alter Ego sa EVOS Legends lalo na kay REKT dahil sa nangyaring isyu. Inanunsyo din nila ang kanilang pagtanggal kay Nocturn.
“Sehubungan dengan hal yang terjadi di tanggal 25 Maret 2022 di MPL Arena, kami pihak resmi Alter Ego Esports akan menjelaskan bahwa hal-hal tidak berkenan yang dilakukan oleh salah satu staf kami tidaklah pantas dilakukan (Bilang paglilinaw sa naganap noong ika-25 ng Marso sa MPL Arena, nais namin iparating na hindi tama ang ginawa ng isa sa aming staff),” saad ng organisasyon.
“Alter Ego Esports tidak pernah mengajarkan siapapun termasuk staf hal-hal buruk seperti menjadi toxic. Permintaan maaf yang sebesar-besarnya kami ucapkan dari segenap keluarga Alter Ego Esports (Hindi kailanman nagturo ang Alter Ego ng masasamang bagay katulad ng pagiging toxic. Kaming buong pamilya ng AE ay humihingi ng tawad).”
“Kami meminta maaf kepada pihak yang berkaitan dengan hal ini yaitu para player EVOS Esports khususnya Gustian ‘REKT’ dan juga kepada seluruh EVOS Fams. Permintaan maaf ini juga kami sertakan untuk para penonton setia MPL ID, juga dengan segenap crew yang bertugas dan gamer enthusiast (Humihingi kami ng paumanhin sa EVOS Esports players lalo na kay Gustian “REKT” at sa lahat ng EVOS Fams maging sa mga viewers at crew ng MPL ID at lahat ng gaming enthusiasts).”
“Dengan ini Alter Ego Esports meminta maaf dan melakukan sebuah sanksi yaitu melepaskan jabatan Nocturn sebagai manajer (Kaugnay nito, tinatanggal na namin si Nocturn sa kanyang posisyon bilang manager).”
Bukod sa paglalabas ng statement, nagpunta rin ang ilang opisyal ng AE sa EVOS para personal na humingi ng paumanhin.
Ang ginawang mga aksyon ng AE ay isang magandang halimbawa na dapat tularan ng mga esports organizations. Patunay ito na dapat nagbibigayan ng respeto at pinapanatiling malinis ang komunidad sa esports scene.
Hango ito sa artikulo mula sa ONE Esports Indonesia.