Hindi pa pormal na inaanunsyo ang Alter Ego roster para sa MPL ID S10. Ngunit isang pagkakamali ang nagawa at humantong sa pagkakabunyag ng kanilang roster nang hindi sinasadya.
Ang Alter Ego ay isang team na hindi masyadong pinag-uusapan sa transfer market. Wala sinuman sa mga bagong players ang na-l;ink sa kanila.

Ang tanging bagay na sinabi ng AE na napag-usapan ay ang hinaing ni Rasy sa Twitter tungkol sa hindi niya pagsali sa Season 10 roster.
Nilinaw rin mismo ni Rasy na hindi niya intensyon na atakihin ang anumang partido at inihayag lamang ang kanyang nararamdaman noong mga oras na ‘yon.
Alter Ego roster para sa MPL ID S10 na-leak!
Nitong nakaraan, isang pagkakamali ang nagawa sa isang Alter Ego Twitter post. Sa intensyong pasalamatan ang Boom Esports para sa natanggap niyang kape sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng dalawang kape sa post, tila merong isang bagay na hindi napansin ang AE admin.
Ang background ng mga kape sa photo ay picture din ng Alter Ego roster para sa MPL ID S10. Bgama’t walang paliwanag, malinaw na ito ay ang bagong larawan ng AE MPL squad.

Hanggang sa pagkakaslat ng article na ito ay hindi pa rin binubura ng Alter Ego ang nasabing photo. Pero tulad ng hula ng marami, walang pagbabagong naganap sa squad, ngunit may isang bagay na kapuna-puna.

Mula sa photo, makikita sina Celiboy, Pai, Leomurphy, Nino, Devkoch, Udil, at ang nagbabalik na si Ahmad, o mas kilala sa tawag na Maungzy, matapos nitong lumipat sa MDL noong Season 9.
Totoo ba ang roster na ito ng Alter Ego para sa MPL ID S10? Sama-sama tayong maghintay.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.