Sa pinakahuling MLBB patch, nakatanggap si Terizla ng konting buff mulka sa development team. Bagama’t hindi ganun kalaki ang iniganda ng fighter hero na ito, naging importante ito para sa Alter Ego upang makuha ang tagumpay laban sa Rebellion Zion sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Katatapos pa lang ng unang araw ng MPLI 2022 ng ONE Esports, ngunit marami nang ipinakita ang mga teams na naglaro, kabilang ang AE na tatlong beses na gumamit ng Terizla.

Alter Ego MPLI 2022
Credit: ONE Esports

Gumamit ang AE ng Terizla sa kanilang unang MPLI 2022 match kung saan tinalo nila ang Rebellion Zion 2-1. Ang hero na ito ay ginamit ng dalawang magkaibang players na sina Udil sa midlane at PAI sa EXP lane.

Nakakagulat ang pagpili na ito kay Terizla. Madaling nakakapag-clear ng minions ang hero na ito, subalit mababa ang kanyang mobility upang mkapag-rotate. Bukod pa dito, may kakaibang kwento mula kay Udil at Caesius tungkol sa pagpili sa hero na ito noong unang game.

“Actually, this is a mistake in choosing (heroes). I made a mistake in choosing Uranus because I thought I needed more magic damage, but forgot to choose Terizla,” kwento ni Caesius pagkatapos ng match.

MPLI 2022 Udil Caesius Alter Ego
Credit: ONE Esports

Nung unang game, nakakuha si Udil ng KDA na 1/4/8 ngunit nagawa pa ring ipanalo ang game sa 13th minute mark na amy killscore na 15-8.

Pagkatapos nito, si PAI naman ang gumamit sa hero nang dalawang beses sa EXP lane. Nakatanggap sila ng talo sa ikalawang game, ngunit bumawi ng panalo sa ikatlo gamit ang parehong hero.

Anong klaseng buff ang natanggap ni Terizla at bakit ito importante?

Terizla Rustwreck skin
Credit: Moonton

Sa pinakahuling MLBB patch na lumabas pagkatapos ng MLBB ID S10, nakatanggap ang hero na ito ng buffs, pero konti lang. Ang upgrade ay ibinigay sa kanyang second skill na Execution Strike, kung saan ang dating cooldown na 9-7 seconds ay bumaba na sa 7-4.5 seconds.

Bagama’t maliit na buff lang ang natanggap, naging importante ito para sa mga users ng hero na ito. Mas madalas na niyang pwedeng magamit ang kanyang second skill, upang ma-clear ang minion wave bago sumabak sa team fight para muling gamitin ang skill.

Samahan pa ng kanyang ultimate skill na Penalty Zone, malaking tulong ito sa pagbuhos ng damage at crowd control sa kalabang team, bukod pa dito ay pwede siyang frontliner dahil sa kanyang mataas na base HP at physical/magical defense upang mag-absorb ng damage.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.