Lalabas sa Land of Dawn ang isa sa pinakasikat na aktres sa Pilipinas. 

Ibinunyag ng Mobile Legends: Bang Bang ang kanilang pinakabagong kolaborasyon kasama ang Filipina celebrity na si Andrea Brillantes, at nagtatampok ito ng tatlong bagong emote stickers ng kaniyang mga iconic pose. 

Si Andrea Brillantes ang kauna-unahang Filipinas celebrity na na-feature bilang battle emote 

MLBB Andrea Brillantes Tear it Off MV
Credit: Moonton Games

Isang maangas na paraan para makapag-ugnayan sa mga ibang players sa isang match nang hindi kailangan gamitin ang chat function ay sa pamamagitan ng mga battle emotes. Kadalasang nakikita ang mga chibi MLBB heroes na may kakaibang pose sa mga emotes na ‘to. 

Limitadong oras lamang magiging available ang Andrea Brillantes interactive battle emotes, at ang tawag sa kanila ay “Mock,” “Finger Heart,” at “Fighting!”. 

May glowing effect na may confetti ang “Mock” at “Fighting!” emote, habang may mga puso at kiss marks naman ang “Finger Heart” emote. 

Ito ang unang beses na isang Filipina celebrity ang na-feature bilang isang battle emote in-game. 

Paano kunin ang eksklusibong battle emotes sa Mobile Legends: Bang Bang 

MLBB x Andrea Brillantes collaboration
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Madali lang I-claim ang tatlong emotes na ‘to. Kailangan mo lang mag pre-register sa events tab in-game at hintayin ang opisyal na exchange event mula March 22 hanggang April 3. 

Hindi pa naglalabas ng karagdagang impormasyon ang Moonton tungkol sa event maliban sa paninigurado na lahat ng ito ay maaring makuha nang libre.  

Panoorin ang teaser video dito. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga balita at updates tungkol sa MLBB. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, How to pre-register for MLBB’s super adorable Andrea Brillantes battle emotes.