Sina Renejay “Renejay” Barcase at John Paul “H2wo” Salonga ang naging susi para sa tagumpay ng Nexplay Esports laban sa Omega Esports sa Week 5 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7.

Dahil ang game two ang nakasalalay dito, sabik ang Omega Esports na magkaroon ng do-or-die. Ngunit sinira nina H2wo at Renejay ng Nexplay ang mga plano nila matapos magsagawa ng two-man backdoor play para masungkit ang panalo.

Sa 17-minute mark, tatlong myembro ng Nexplay Esports at Omega Esports ang nasa gitna ng stadoff sa bottom lane sa may coveted Lord.

Sinimulan nang lusubin ng Omega Esports ang Lord noong nakita nilang walang pagpigil mula sa Nexplay. Ang hindi nila alam, ang Harith ni Renejay at ang Lancelot ni H2wo ay maghiwalayang pinupush ang top lane.

Noong nakuha ng Pharsa ni Adrian “Toshi” Bacallo ang Lord para sa Omega Esports, huli na ang lahat. Paunti-unti nang sinisira ng Nexplay duo ang kanilang base.

https://www.youtube.com/watch?v=d7ApwUfdDpk

Tinapos nina H2wo at Renejay ang laro ng may 3/1/0 at 3/2/0 KDA, ayon sa pagkabanggit. Ngunit ang kanilang efforts ay nakatanggap ng maraming papuri mula sa mga fans.

Nalampasan na ng Nexplay Esports ang Execration para sa third place sa kanilang 13 points, isang punto nalang mula sa 14 points ng Omega Esports.