Bigo ang EVOS Legends na makarating sa MPL ID S10 playeoffs, at patuloy pa rin itong umaani ng reaksyon mula sa iba’t ibang partido, nasa arena man ang mga fans o wala.

Ang mapait na katotohanang ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi makakapasok ang EVOS sa playoffs ay bukambibig pa rin ng maraming tao, lalo na sa mga sa mga esports supporters at mga nagmamahal sa MLBB scene sa buong Indonesia. Maging sa mga dating EVOS players mismo, tulad ni Machill “Antimage” Leonardo.

Bagama’t masakit pa rin para sa kanya ang hindi makapaglaro sa season na ‘to, lumabas ang patunay ng kanyang taos na pagmamahal sa White Tigers team. Pinakiusapan din siya ng EVOS Fam na magpunta sa Integrated Training Facility (ITF) upang makatulong na mapabuti ang performance ng kanyang team.

Sa katunayan, nagawa man niya ito o hindi, malungkot pa rin si Antimage bilang parte ng EVOS sa hindi nito pagtungtong sa playoffs matapos talunin ang RRQ Hoshi. Ano ang reaksyon ng EXP laner?


Antimage nagulat sa balitang hindi nakapasok sa MPL ID S10 playoffs ang EVOS Legends

Antimage EVOS Legends
Credit: Instagram/evos.antimage

Sa livestream (watch party) na ginawa ni Antimage kasama ang ilang tao, tulad nian Ryan “KB” Bautista, makikita sa itsura ng EXP laner ang pagkagulat nang opisyal na ideklarang hindi makakapasok ang EVOS Legends sa playoffs matapos nilang talunin ang RRQ Hoshi.

Tinanong pa niya si KB para sa isang cross-check analysis, na naghanda ng ilang dramatic scenarios para sa season na ito.

@_diablo_026

#mplseason10 #evosesports #rrqhoshi #fypシ

♬ Instrumen Piano Sedih – kucing tetangga

“Serious playoffs lu? Seriously (EVOS) this isn’t into the playoffs, Be? Is it fixed? Is it fixed? Be, have you fixed Be?,” sabi ni Antimage.

“Yes (EVOS failed to make the playoffs), right Rebellion won (against AURA) earlier,” sabi ni KB.

Sa scenario ng ilang partido, kung manalo ng isang beses ang Rebellion at natalo naman ang EVOS sa RRQ Hoshi, hindi makakapasok sa playoffs ang White Tiger team.

“Tell me in my face that’s fixed information!,” sabi ni Antimage. “Fix Max!,” sagot naman ni KB.

Antimage SOA EVOS Legends
Credit: ONE Esports

Bigla itong tumayo mula sa kanyang upuan at ibinalibag ang kanyang headphones na suot. Ang reaksyon na ito ni Antimage ay patunay ng kanyang pagmamahal sa White Tigers team.

Ang kabiguan ng EVOS na makapasok sa playoffs ay magiging isang madilim na parte ng kasaysayan ng MPL Indonesia. Natural lamang ang gulat at lungkot na nararamdaman ng iba’t ibang partido sa hindi magandang resulta na nakuha ng White Tiger team sa season na ito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.