Si MLBB player na Antimage ang isa sa pinakaimportanteng players sa EVOS Legends roster. Simula noong lumahok siya sa MPL ID S7, siya lamang ang player na hindi nila mapalitan bilang core player.
Walang nagdududa sa kakayahan ni Maxhill Leonardo bilang top EXP laner. Napakaganda ng kaniyang track record, at sumikat siya sa pagiging isa sa pinakamalakas na offlaners ng MLBB.

Marami na rin siyang napanalunan na titulo sa kaniyang career. Dalawang beses na niyang napanalunan ang MPL trophy kasama ang ONIC Esports at EVOS Legends, nanalo na rin siya ng isang MSC trophy at isang President’s Cup.
Hindi tumutugma ang expectations ni Antimage sa kaniyang performance
Simula noong pumasok siya sa EVOS Legends, nagkaroon na ng lugar ang player na ‘to sa core team. Ngunit simula ng pagumpisa ng MPL ID S9, nawalan na siya ng galaw sa kaniyang mga laro.
Sa season 9, nagkaroon na siya ng inconsistency sa EVOS Legends, at kaya naman nahulog sila sa fifth place. Hindi ito magandang posisyon para sa isang team tulad nila.

Ibinunyag ni Antimage na may kondisyon pala siya kaya nawala ang kaniyang galaw; inamin niya na nahihirapan siyang makatulog at nagdudulot ito ng stress sa kaniya.
Sinabi niya ito nang detalyado sa isang live stream.
“Kailan ba ako makakatulog? I swear sobra akong stressed,” sabi niya.

“Sa gabi pagkatapos ng scrim ng mga 10-11 [p.m.] hindi ako makatulog dahil maingay si Ferxiic hanggang 2-3 [a.m.]. Nakakatulog na ako nang 3 o’clock. Pagkatapos ay mag-la-live si Clover nang 7 o’clock, kaya apat na oras lang ang tulog ko.”
“Parang hirap na hirap ako. Nagigising ako sa onting ingay. Tuwing nagsisimula mag-stream si Ferxiic, mahimbing ang tulog ni Clover dahil nasa kabilang kwarto siya. Habang ang kwarto ko ay nasa gitna, kaya maririnig ko talaga ang ingay,” sabi niya.
Ito’y isang pagsasalin mula sa orihinal na article: Vent Antimage: Stress, insomnia in GH EVOS Legends! | ONE Esports Indonesia