Apat na Team OP players ang na-ban mula sa pagsali sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League at lahat ng opisyal na MLBB tournaments nang hindi bababa sa isang taon matapos ang imbestigasyon ng Moonton.

Na-uwi ang game developer sa nasabing desisyon matapos mapatunayang nagkasala sa pag-udyok ng “religious discourse” sa isang ranked game na naka-livestream ang mga manlalaro.

Ang opisyal na desisyon ng Moonton sa apat na Team OP players

Apat na Team OP players na sina Goh “Ryeb” Wei En, Wendell Sean “DarA” Tan, Jackie “PAAA” Lee, at Randall “Bush” Tay Guan Pin ang nakatanggap ng ban nang hindi bababa sa isang taon.

Tatlo sa mga ito ang banned nang dalawang taon, habang isang taon naman para kay Bush dahil sa pag-udyok ng harassment.

Pinatawan din ang Team OP ng -10 point deduction sa simula ng MPL SG Season 3 dahil sa “mismanagement of players”.

PLAYERPARUSAPAGLABAG
Wendell Sean “DarA” Tan2 taong ban sa pagsali sa lahat ng MPL at opisyal na MLBB tournaments.Pag-udyok ng diskurso tungkol sa relihiyon.
Goh “Ryeb” Wei En 2 taong ban sa pagsali sa lahat ng MPL at opisyal na MLBB tournaments. Pag-udyok ng diskurso tungkol sa relihiyon.
Jackie “PAAA” Lee 2 taong ban sa pagsali sa lahat ng MPL at opisyal na MLBB tournaments. Pag-udyok ng diskurso tungkol sa relihiyon.
Randall “Bush” Tay Guan Pin1 taong ban sa pagsali sa lahat ng MPL at opisyal na MLBB tournaments. Pag-udyok ng harassment.
Team OP-10 points na deduction sa MPL SG Season 3Mismanagement ng players.

Moonton nagpaalala na maging responsable online

4 na Team OP players banned nang hindi bababa sa isang taon  sa official MLBB tournaments
Credit: MPL Singapore

Nagmula ang desisyon matapos imbestigahan ng Moonton ang palitan ng salita sa pagitan ng mga manlalaro ng Team OP at Geek Fam MY. Nag-send ng mapanlait na salita ukol sa relihiyon ang ilang miyembro ng Team OP. Nangyari ito sa isang ranked game na nila-livestream noon ni Nik “Dominus” Aqieff ng Geek Fam MY.

Sa kabila ng mga paglabag, pinaalalahanan ng Moonton ang komunidad na ‘wag harasin ang Team OP players.

“We seek your understanding in this matter and would like to sincerely apologize for our shortcomings,” sulat nila. “We will strive to do better in improving our processes going forward and eliminating such behaviors in our professional leagues.”


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 5 hero na mabisang ipang-invade ng jungle sa MLBB