Mainit kaagad ang balagbagang naganap sa katatapos pa lamang na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021 Group Stage- Phase 1 Day 1.

Match 1: RSG MY pinatalsik ang RSG SG, 2-0

Tampok sa unang matchup sa Group Stages ang pagtatapat ng dalawang magkapatid na teams na RSG MY at RSG SG. Malinis na trinabaho ng Malaysian team ang kanilang katukayo dala ng de kalidad na Chou gameplays ni Ahmad Zaki “Zacus” Ibrahim.

Ipinakita ni Zacus ang tikas ng kanyang Chou sa 2-0 sweep kung saan nagtala siya ng epektibong 3/2/11 at 3/2/14 KDAs patungo sa 2 MVPs of the game.

Match 2: Todak, todas sa EVOS Legends

Diggie strat ang sentro ng dalawang salpukan ng Todak at EVOS Legends. Unang kumambyo ang Todak sa Diggie pick sa game 1 ngunit pinatunayan ng M1 champions na kabisado na nila ang play na ito.

Sinimplihan lang ng EVOS ang kanilang tirada gamit ang Hilda pick na pinahawakan nila kay Joshua “LJ” Darmansyah na lumason sa early game ng kalaban.

Sa laban sa Group B, Nakuha ni EVOS Ferxiic at ng mga kasama nya sa koponan ang unang 2-0 na panalo para sa EVOS legends…

Posted by MPL Philippines on Sunday, June 6, 2021

Sa game 2 naman, tinuruan ng EVOS ang Malaysian team kung paano gumana ang Diggie pick kasama pa ang matipunong Benedetta play ni Perdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin papunta sa 2-0 panalo.

Match 3: Blacklista mo na ang panalo kontra Bigetron Alpha, 2-0

Kung sipaan ang tema ng RSG matchup sa match 1, suntukan naman ang bigayan sa Match 3 sa pagitan ng Blacklist International at Bigetron Alpha. Sa parehong game, napakawalan ang 100% winrate Aldous ng Pinas kasama pa ang championship Paquito ng Blacklist na bumugbog sa team galing Indonesia.

Tinanghal na MVP ang Paquito ni Edward “Edward” Dapadap na naglista ng malinis na 5/0/5 KDA sa game 1 panalo. Sa pangalawang sultada naman, ang Aldous ni Danerie “Wise” Del Rosario ang bumalagbag sa kalaban na may 2/2/3 KDA.

Match 4: Butas ang EVOS SG sa #EXEShot

Sa pinaka-aabangang matchup ng MPL-SG Season 7 champions EVOS SG at MPL-PH Season 7 runner up Execration, pinatunayan ng EXE kung ano ang kargada ang mga team galing Pinas.

Wasak sa Harith picks ni Duane “Kelra” Pillas sa parehong laro ang kabilang kupunan. Obra maestra ang ginawa ng kaniyang mage gold lane na nagtala ng 9/3/5 at 7/0/8 KDA para sa 2-0 pagwawalis sa Singaporean team.

Match 5: RSG SG pinatulog ang IDNS, 2-0

Trabaho lang, walang personalan ang sabi ni Alex “SynC” Ho ng RSG SG sa IDoNotSleep sa kanilang Day 1 matchup. Susi ang kanyang deep cut lanes gamit ang Uranus at Benedetta para sa lane control at pushing ng Singapore representatives.

Dahil sa lane pressure at panggugulo ng supports ng RSG SG, nahirapan ang Ling pick ng IDNS sa game 2 na nagsimula sa 0/4/0. Nakahinga man ng konti ang IDNS sa mid game, kinulang ang Thai team sa long game papunta sa konklusyon ng serye, 0-2.

Nagwagi ang RSG SG sa marahas na laban nila laban sa IDoNotSleep. Naipanalo nila ng 2-0 ang laban nila. Di gumana ang…

Posted by MPL Philippines on Monday, June 7, 2021

Match 6: Todak wagi sa Cyber Exe

Objective gaming ang dalang laro ng Todak kontra sa Cyber Exe sa kanilang serye na nagmistulang sukatan ng tibay. Ling ni Ciku ang bida sa unang salpukan sa 7/3/8 KDA para ibigay ang 1-0 para sa Malaysian team.

Tampok ang Cyclops core pick ng Cyber Exe sa game 2 ngunit pinatunayan ni Ciku na Harith lang ang malakas matapos madiktahan ang isa laban sa limang engagement sa late game para iselyo ang serye sa 2-0.