Hindi na bago sa MLBB professional scene sa Malaysia ang kakaibang mga hero picks at item builds na isinasalang ni Mohamad Zul “Xorn” Hisham ng Geek Fam sa kanyang mga professional matches. Ngunit noong MPL MY Season 7 playoffs kontra Team SMG, pasabog ang ginawa ng sikat na pro sa kanyang maniobra ng Assasin Grock.

Sa unang salpukan laban sa SMG sa lower bracket, bida ang last pick Grock ng Geek Fam na armado ng High and Dry assassin emblem at flicker battle spell na lumason sa kabilang kupunan.

Epektibo ang Assasin Grock sa game 1

Dahil sa mataas na damage output gawa ng High and Dry, at mobility ng Grock, early pressure ang dala ng hero ni Xorn na nagbukas ng mapa sa kanyang kupunan para kumuha ng mga objectives sa laro.

Sangkot si Xorn sa unang tatlong pitas na nakuha ng Geek Fam MY kung saan nakakuha siya ng 1 kill at 2 assists.

Sa puntong yon, dama ng SMG ang mataas at pataas pang impact ng Grock pick. Sa mga maagang salpukan sa laro, lamado ang Geek Fam MY dahil sa zone capability at kill potential na dala ni Xorn na nagtala ng 3/0/5 KDA.

Dahil sa maagang snowball na binigyang daan ng assassin grock, itinanghal si Xorn na MVP ng laro na natapos lamang sa loob ng sampung minuto.

Nagbalik ang Assasin Grock sa game 3

Hindi naging swabe ang Silvanna pick ni Xorn pagdating ng game 2 kaya naman pagdating ng game 3, balik sa assassin Grock ang popular na pro.

Gaya ng game 1, mataas ang epekto ni Xorn sa mapa kung saan nagtala siya ng anim na assists sa unang pitong kills ng kanyang kupunan. Efficient din ang gameplay na ipinakita ng pro na nakakuha lamang ng 1 death sa kabuuan ng laro.

Bida ang combo ni Xorn at ng Yve ni Nik “Dominus” Aquieff sa isang late game engagement sa bot lane kung saan nakahuli sila ng tatlong miyembro ng SMG para makuha ang serye, 2-1.

Sa 14 kills ng grupo, sangkot si Xorn sa 11 na naglista ng 78% kill participation.

Magandang run ang ipinakita ng Geek Fam MY sa kabuuan ng MPL MY Season 7 kasama ang lower bracket win na ito. Natapos lang ang kanilang biyahe ng pigilan siala ng MPL MY defending champion Todak sa round 2.