Naghahanap ng makakatulong sa coaching duties si Brian “Panda” Lim, ang head coach ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) team na RSG PH.

Matapos ang kampanya ng koponan sa MPL PH Season 8 at MPL Invitational 2021 ng ONE Esports, tila naghahanda ang RSG PH na para sa susunod na season ng pinakamalaking mobile esports league ng bansa.

Coach Panda, nagre-recruit ng assistant coach para sa RSG PH

Ang mga requirement bilang assistant coach para sa RSG PH

Inilathala ng batikang coach sa social media ang ilang impormasyon tungkol sa pagiging assistant coach para sa RSG PH.

Credit: Coach Panda

Isa si Coach Panda sa mga pinakatanyag na coach sa larangan ng MPL PH. Sa ilalim ng kanyang karunungan, nasungkit ng ArkAngel ang kanilang kampeonato noong ikatlong season ng liga.

Isa rin siya sa mga coach ng SIBOL MLBB team na nag-uwi ng gintong medalya para sa Pilipinas noong 30th Southeast Asian Games.

Samantala, ang RSG PH naman ay isa sa mga koponang nakaselyo ng franchise slot bago magsimula ang nagdaang MPL PH season. Tinapos ng koponang ang kanilang kampanya sa nasabing season sa 5th-6th place matapos kapusin kontra Nexplay EVOS.


Para sa karagdagang impormasyon o para makapag-submit ng resume, i-message lang si Coach Panda sa kanyang Facebook account.