Kasabay ng paglalabas ng patikim ang Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) tungkol sa pinakabagong hero na lalabas sa pagpasok ng patch 1.6.10, inanunsyo ng Moonton ang opisyal na pagdating ng pinakabagong hero sa laro na si Aulus sa August 31.

Ayon sa game developer, siguradong masisisyahan ang mga beginners ng laro sa new hero. Bukod sa madali itong gamayin, epektibo rin daw ang kit nito lalo na bilang support sa late game.

Kaugnay nito, inihayag din ng kumpanya na ang bagong hero ang totoong may-ari ng isa sa mga pinakasikat na items sa meta na War Axe.

Credit: Moonton

Heto ang mga skills ng bagong hero na si Aulus:

Mga skills ni Aulus

Passive – Fighting Spirit

Ayon sa kalalabas pa lamang na MLBB Patch 1.6.10 notes, mabibigyan ng karagdagang Physical Attack at Physical Penetration ang hero sa bawat basic attack nito.

Kasama nito, may extra movement speed at basic attack damage pa ang Aulus kapag nakuha nito ang apat na stacks.

First skill – Aulus, Charge!

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Mag-iipon ng charge ang hero at magkakaroon ng movement speed at damage reduction mula sa mga atake na galing sa harap nito.

Sa puntong binitawan ang pagkaka-charge bago matapos ang duration, yayanigin ng hero ang lupa para magbitaw ng damage at slow effects sa mga kalabang heroes malapit sa kaniya.

Second Skill – The Power of Axe

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Iwawasiwas ng hero ang kaniyang Axe na magbibigay ng damage sa mga kalaban sa fan-shaped na area. Bawat non-minion hit, lalakas ang kaniyang basic attack kung saan magkakaroon din siya ng dagdag na attack speed at hp restore.

Ultimate – Undying Fury

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Passive: Sa bawat upgrade ng Undying Fury, magka-craft si Aulus ng isang parte ng kaniyang axe.

[Blade Craft] Permanenteng karagdagdagan sa basic attack physical damage.

[Hammer Craft] Permanenteng karagdagagan sa physical lifesteal.

[Handle Craft] Permanenteng karagdagan sa attack range at range ng second skill.

Active: Ibabalibag ni Aulus ang kaniyang palakol sa isang linya para magbigay ng damage. Nag-iiwan ito ng burning path sa lapag kung saan may slow effect at damage na naibibigay sa mga kalaban na nasa area na ito.

Panoorin ang patikim ng Moonton sa pinakabagong hero.

Hango ito sa sa sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.