Apoy vs. apoy.
Matapos sumikat dahil sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL), biglang tumaas ang pick rate ni Aulus sa classic at ranked games.
Isa sa pinakamalakas na duelist ang fighter na ito sa Land of Dawn. May abilidad siyang kumilos nang mabilis sa mapa gamit ang Aulus, Charge! at makapagdulot ng matinding damage gamit ang The Power of the Axe. Ang kaniyang ultimate, ang Undying Fury, ay sumasakop rin ng malaking lugar kaya maganda rin siya piliin bilang initiator.
Sa sobrang sikat ni Aulus ngayon, ayon sa stats ng MLBB, siya ang may pangalawa sa pinakamataas na win rate sa ranked matches sa tumatayong 57.69%.
May magandang balita naman. May iilang heroes na pwede mong gamitin para kontrahin siya. Ito ang tatlong Mobile Legends: Bang Bang heroes na dapat mong piliin kung makikita mo sa team ng kalaban si Aulus.
Tatlong epektibong pangkontra kay Aulus sa Mobile Legends: Bang Bang
Valir

Isa sa kaniyang mga kahinaan ay kailangan niya makalapit para makapagdulot ng damage. Dito na papasok si Valir.
Kayang daganan ng mage hero na ito ang mga kalaban gamit ang Burst Fireball. Kung sakaling makalapit si Aulus sa isang team fight, maaring gamitin ni Valir ang kaniyang Vengeance Flame para tanggalin ang lahat ng crowd control effects at matulak siya palayo gamit ang Searing Torrent.
Gusion

Mahina rin si Aulus sa mga burst damage heroes, lalong-lalo na kay Gusion. Kaya mainam gamitin ang mage assassin na ito dahil maliban sa pagkaroon niya ng isa sa pinakamalakas na bursting capabilities, may mataas din siyang mobility.
Kapag tinamaan ang kalaban gamit ang kaniyang Sword Spike, maari siyang gumalaw nang mabilis sa likod ng kalaban para ma-set up ang kaniyang full combo. Nakakalito ding hulaan ang kaniyang skill na Incandescence, kaya mahihirapan ang Warrior of Ferocity gamitin ang kaniyang Undying Fury.
Saber

Maaring hindi gaanong naisama si Saber sa meta sa mga nakaraang patch, nananatili pa rin siyang isang solid pick laban sa mga junglers ng kasalukuyang meta, at kasama na diyan si Aulus.
Kapag nakamit na ni Saber ang level four, madali na niyang mapapatay si Aulus gamit ang kaniyang Orbiting Sword, Charge, at Triple Sweep Combo. Hindi makakagalaw ang Warrior of Ferocity sa combo na ito, at maari na siyang patumbahin ng mga kakampi pag natapos na ang Triple Sweep.
Ang kaniyang passive, ang Enemy’s Bane, ay nagbabawas ng kaniyang pisikal na defense at mas madali nang patayin ang Warrior of Ferocity habang tumatagal ang laban.
Piliin si Saber kung kailangan mo ng easy to play hero para labanan ang isa sa pinakamalakas na fighter junglers sa Land of Dawn.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang gabay tungkol sa MLBB.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, The 3 best heroes to counter Aulus in Mobile Legends.