Patuloy na gumagaling ang Aura Fire sa MPL ID S9. Maliban pa riyan, marami na ang umaasa na magiging kampeon sila ngayong season.
Hindi nakakagulat kung bakit tinatawag na potensyal na kampeon ang Aura Fire sa MPL ID S9. Matapos ang walong matches, nagkaroon sila ng pagkakataon makipaglaban para sa top ng regular season standings kasama ang RRQ Hoshi at ONIC Esports.
Dagdag pa diyan, muntik na matalo ng Aura Fire ang lahat ng teams sa MPL ID S9. Ngunit sa ngayon hindi pa nila natatalo ang RRQ Hoshi.
Sa tagumpay na ito, hindi talaga surpresa na marami ang sumusuporta sa Aura. Ngunit para sa kanila, hindi ito ang kanilang main target ngayong season.
Gusto lang mag-improve ng Aura Fire at maging mas mahusay sa dati.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, inamin ng kanilang coach na si Reza Pahlevi na hindi target ng Aura Fire sa MPL ID S9 ang pagiging kampeon, ngunit susubukan pa rin nila itong gawin.
Sinabi ni Reza na simple lang ang target ng Aura sa MPL ID S9, at ito ang pagtatapos sa mas magandang posisyon kumpara last season kung saan napatalsik sila ng EVOS Legends sa play-ins round.
“When asked what Aura Fire’s target is, we certainly want more than last season. Yesterday we went home first, of course we wanted to do more than that,” sabi ni Reza Pahlevi sa ONE Esports.

“When it comes to our targeting to enter the upper bracket or top 2 in the regular season, I have never targeted that to the players. The most important thing is that we can always improve, not by looking at our competitors, but by our own achievements.”
“If we are lucky, we can enter the upper bracket, thank God. If we don’t qualify for the upper bracket, at least we want to be able to do more than last season,” sabi niya.
Maganda abangan kung ano ang magiging performance ng Aura Fire sa natitirang laro ng MPL ID S9 regular season at kung saan sila magtatapos sa play-offs. Inamin rin ni Reza na ibang-iba ang kompetisyon sa play-offs kumpara sa regular season pagdating sa quality ng match, mentality, at ang pressure na nararamdaman.
Bagamat simple lang ang target nila, hindi pa rin ito magiging madali lalo na sa play-offs dahil lahat ng teams ay magpapakitang gilas ng kanilang mga kakayahan, preparasyon, at mga stratehiya.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga balita at updates tungkol sa MPL ID S9.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Juara MPL ID S9? Aura Fire punya target sederhana musim ini.