Tagumpay ang Aura Fire na maka-abante sa upper bracket ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) Season 9 matapos ungusan ang Bigetron Alpha sa play-ins. Tagumpay ang tropa nina High sa iskor na 3-2.

Bagamat tagisan sa pagitan ng third seed at sixth seed ng regular season ang nasabing serye, naging mainit ang bawat mapa ng laban. Bawat panalo ay pinaghirapan ng bawat koponan.



Naunang makapuntos ang Bigetron Alpha bago bumawi ng dalawang sunod ang Aura Fire. Kapansin-pansin din kung paano naging susi ang Xavier sa panalo ng bawat koponan.

Nagawang maitabla ng Bigetron Alpha ang serye bago maselyo ng Aura Fire ang serye, bagamat hindi iton naging madali.


Aura Fire haharapin ang ONIC Esports sa upper bracket ng MPL ID S9 playoffs

Aura Fire tinupok ang Bigetron Alpha; bakbakan kontra ONIC Esports selyado na
Credit: YouTube/Mobile Legends: Bang Bang

Naselyo ng tagumpay ng Aura Fire kontra Bigetron Alpha ang pagkakataon para makatapak sa upper bracket ng MPL ID S9 playoffs. Haharapin nila dito ang ONIC Esports na direktang na-seed sa upper bracket matapos maselyo ang second seed noong regular season.

Natupad din ng kanilang tagumpay ang isa sa mga nais nilang makamit ngayong season. Bagamat ang championship title pa rin ang kanilang pangunahing target, gusto rin ng Aura Fire na mahigitan ang resulta nila noong nakaraang season.



Noong ikawalong season kasi, maagang natapos ang kanilang kampanya sa playoffs matapos mabigo kontra EVOS Legends sa iskor na 2-3.

Antabayanan ang kampanya ng Aura Fire sa MPL ID S9 playoffs.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: