Maraming dalang pagbabago ang pinakabagong MLBB patch 1.7.08, lalo na sa skills ng mga heroes. Sa update na ito, maraming hero ang nakatanggap ng buffs, nerfs at adjustments.
Interesante ang mga pagbabago sa abilities ng mga heroes at posible nitong baguhin ang meta kahit sa competitive scene. Maaaring may mga nakalimutan nang heroes na pwedeng maging karapat-dapat na gamitin ng pro players.
Kabilang na rito sila Badang at Melissa, na maaaring ikonsidera ng mga pros dahil sa adjustments at buffs na natanggap nila sa MLBB patch 1.7.08.
Buffs at adjustments na nakuha nila Badang at Melissa sa MLBB patch 1.7.08
Badang

Skill 1 – Qigong Fist
- Bagong Effect: Nag-iimbak si Badang ng hanggang 2 skill charges at nagre-restore ng 1 charge kada 13-10s (bumababa ito sa pagtaas ng level)
- Binawasan ang cooldown mula 7-5s ngayon ay 2s na
- Dagdag na Initial Damage mula 250-400 + 70% Physical Attack ngayon ay 210-360 + 90% physical attack na
- Adjusted na Subsequent Damage mula 155-280 + 50% Physical Attack ngayon ay 115-215 + 60% physical attack na
- Bahagyang binawasan ang Forewing
Skill 2 – Fist Break
- Binawasan ang Cooldown Reduction mula 10s ngayon ay 9s na
- Tinanggal: 40% ng skill cooldown ay naibabalik pag walang kalaban na tinamaan
- Bagong Effect: Sa pag-cast ng skill na ito ay binibigyan si Badang ng 350-600 (+150% physical attack) shield na tumatagal nang 5s
Ultimate – Fist Crack
- Hindi na nagbibigay ng shield sa pag-cast
- Bagong Effect: Nagkakaroon si Badang ng Control Immunity sa kahabaan ng skill (instead of when the shield is active)
- Initial Damage dinagdagan mula 70-150 + 50% ngayon ay 80-140 + 54% Physical Attack na
- Collision Damage binawasan mula 42-90 + 30% ngayon ay 40-70 + 27% Physical Attack na
- Max Number of Attacks binawasan mula 10 ngayon ay 9 na lang
- Ang Ultimate ay tatargetin ang kalabang tinamaan ng harang kapag na-cast ito sa loob ng 1s pagkatapos tumama ng Skill 2 sa kalaban
- Maaari pa rin itong itutok at patamain sa ibang kalaban
Napaka-reliable na ng 1st skill na Qigong Fist ni Badang ngayon sa MLBB patch 1.7.08 dahil hinahayaan nito na mag-charge ang mga manlalaro nang dalawang beses at mas mataas na rin pag-scale ng damage nito depende sa physical attack na maaaring makuha sa items. Dahil dito ay makakapag-spam at makakabawas na sila lalo kumpara dati.
Sa 2nd skill naman ng Fighter hero na Fist Break, nabawasan ang cooldown nito mula 10 patungong 7.5 seconds. Bagamat nawala ang 40% CD reduction effect, nagbibigay naman na ito ng malaking shield na tumatagal ng 5 segundo.
Dulot ng shield mula sa kanyang 2nd skill, mas magiging magaan na ang loob ng players na ibitaw ang Fist Crack ultimate na may anti-crowd control effect kahit pa medyo nabawasan ang damage nito ngayong MLBB patch 1.7.08.
Melissa

Skill 1 – Falling!
- In-adjust ang cooldown na dating 7s ngayon ay 8.5-7s na
- Pinataas ang cooldown reduction sa bawat atake kay Muddles, mula 1.2s CD reduction ay ginawang 1.5s
Skill 2 – Eyes on You!
- Adjusted na cooldown dating 1.5s (nagsisimula ang cooldown pagkatapos mawala ang mga Muddles) ngayon ay 7-6s (nagsisimula ang cooldown pagkatapos ng skill cast)
- Adjusted na Mana Cost na dating 75-0 ngayon ay 60-10 na
- Bagong Effect: Maagang mawawala si Muddles pag walang linked enemies
- Tinanggal: Nagsisimula ang cooldown sa pagkawala ni Muddles
- Bahagyang dinagdagan ang movement distance ni Muddles
Ultimate – Go Away!
- Dagdag na Defense Boost kapag active ang skill na dating 3 times ngayon ay 5 times na
Bagamat hindi kasing laki ang mga pagbabago kay Melissa kumpara kay Badang sa MLBB patch 1.7.08, may mga factors pa rin na pwedeng umangat sa meta ang naturang Marksman.
Nadagdagan ang cooldown ng kanyang 1st skill na Falling! pero nag-improve naman ang CD reduction nito dahil sa mga atake mula kay Muddles. Nabago rin ang cooldown mechanism ng kanyang 2nd skill na Eyes on You!
Ang pinakamalaking buff na natanggap niya ay sa kanyang ultimate na Go Away! Pinataas ang kanyang depensa na kung dati ay 3 times lang, ngayon ay 5 times na ngayon sa MLBB patch 1.7.08.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Mobile Legends news at guides.