Oras na para bigyang pansin ang revamped Sun.

Ilanga raw na ang nakalipas mula noong ilabas ng Mobile Legends: Bang Bang ang patch 1.5.88. Nagdiriwang ang mga Karina, Alpha, at Minotaur mains sa Land of Dawn.

Sa kabila ng mga buff na natanggap, mukhang hindi pa rin gaanong napapansin si Sun. Paano nga ba makakabalik sa meta ang bagong Sun sa susunod na season?

Hindi man sya kasama sa Project NEXT lineup, medyo naging overpowered naman sya dahil sa ilang pagbabago sa kanyang mga abilities. Tignan natin ang mga detalyte ng mga pagbabago kay Sun sa patch 1.5.88.

Revamped Sun skills

Skill 1 – Endless Variety

  • Ibinabato ni Sun ang kanyang Golden Staff sa nakatalagang direksyon, mababawasan at babagal ang mga kalaban na madadaanan nito. Pag tumama ito sa kalabang hero o creeps, magta-transform ito bilang isang Doppleganger na hahabol sa kalaban. Ang Golden Staff ay magiging Doppleganger sa dulo ng daanan pag wala itong tinamaang hero o creeps.

Skill 2 – Swift Exchange

  • (Bago) Ibinabato ni Sun ang kanyang Golden Staff sa nakatalagang direksyon, mababawasan at babagal ang mga kalaban na madadaanan nito. Sa puntong ito, gagawa si Sun ng Doppleganger para lituhin ang kalaban, habang sya ay papasok sa stealth at lilipad kasama ng Golden Staff. Pag dating ng staff sa destinasyon nito, muling magpapakita si Sun para saluhin ito. Kapag tumama ang staff sa kalaban ay muling lalabas si Sun. Ang skill na ito ay natututunan kasabay ng Skill 1 at nagshe-share ng parehong cooldown at skill level bonuses.

Ang pagsikat ng revamped Sun

MLBB StreetLegend Sun
Credit: Moonton

Parami nang parami ang mga players na sumusubok ng hero sa ranked. Ayon sa opisyal na MLBB stats page, pangpito ang revamped Sun na most played hero sa Legend rank pataas matapos ilabas ang patch 1.5.88.

Paano nga ba sya naging malakas sa patch na ito?

Una sa lahat, ang kanyang first skill, Endless Variety, ay nagsu-summon na ng clone may tamaan ka mang kalaban o wala. Hindi sya madaling maa-ambush sa laning phase dahil pwede nya na i-check ang bushes gamit ang kanyang clones.

Ang kanyang second skill, Swift Exchange, ay katulad ng Endless Variety. Ang pinagkaiba lang ay imbis na magbato ng clone, pumapasok ng stealth mode si Sun at sya ang lumalabas sa dulo ng pagbato ng staff sa Swift Exchange.

Nakakalito para sa kalaban ang pag-spam ng Endless Variety at Swift Exchange. Ang ibinato ba ay Sun clone, o ang tunay na Sun?

Nagbibigay ito ng malaking outplay potential at nakakainis na kalaban, lalo na sa kamay ng marunong.

Sana ay makita natin ang revamped Sun sa susunod na MPL season. May potential syang maging isa sa pinakamalalakas na fighters sa Mobile Legends.