Kaliwa’t-kanan ang naging reaksyon ng MLBB community noong ibinalita ng EVOS Esports na ililipat nila ang Filipino MLBB star na si Gerald “Dlar” Trinchera papunta sa kanilang developmental team (EVOS Icon) sa MDL. 

At hindi kagulat-gulat kung bakit ganito na lamang ang reaksyon ng mga miron. Taliwas ito sa inasahan ng mga taga-suporta ng batikang EXP laner na pinalagay na magiging susi ang “The General” sa kampanya ngayon ng EVOS Legends sa MPL ID Season 10.

Credit: ONE Esports

Kaya naman, nilinaw ng EVOS Esports Vice President na si Aldean “DeanKT” Tegar kung paano nabuo ang desisyon na ilagay sa Icons (MDL team ng EVOS) ang isa sa mga players na nagtaguyod sa ONIC Philippines papunta sa runner up finish noong M3.


DeanKT nagsalita tungkol sa desisyon sa paglipat kay Dlar papunta sa ICONS

Credit: ONE Esports

Umani ng samu’t-saring komento ang naging desisyon ng EVOS Legends patungkol sa paglilipat kay Dlar, ngunit ani ni DeanKT ay inasahan na din nila ito mula sa fans. Gayunpaman, tumitindig ang opisyal na kailangan ito ng esports organization para ihanda ang Pinoy superstar sa reponsibilidad na dadalhin niya sa paggulong ng kaniyang karera sa MPL ID.

“But I think for the long term, if he can come back and prove he can play with the Legends line-up without any problems, I’m sure all the insults will disappear,” aniya tungkol sa natatanggap na kontrobersiya ng team sa desisyon.

Malaking bahagi daw ng ginawang desisyon para kay Dlar ang problema sa komunikasyon sa pagitan nila ng kaniyang teammates. Ngunit bago pa man daw sumanib ang EXP laner sa kanilang hanay ay may diskusyon na tungkol dito.

“(Dlar’s problem) is a burden on Dlar himself, we (management) have explained and discussed this before he came in, we told him,” paglilinaw ni Dean.

Bagamat sinubukan daw nila ang English-Indonesian course, mas maigi pa din daw na turuan ni Dlar ang kaniyang sarili na mag-Bahasa para maging mahusay dito. Tinuro din ng EVOS VP ang ginagawa ng trainer ng team na si Zeys na bagamat gumagamit ng English ay marunong pa rin mag-Indonesian.

Credit: Zeys

“Learning, studying (given English-Indonesian courses), is still not effective. All teams have tried, almost all teams have implemented English, Indonesian (for the players) courses, it is not effective. Everyday it must be from the person (players) who learn, ” dagdag pa ng opisyal.


Kasulukuyang may 4 match lose streak ang White Tigers, at lumagapak sa 6th place na malayo sa 1st place na hinawakan nila matapos ang first half ng season.

Pagsasalin ito sa sulat ni Cristian Winarata Surbakti ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Natuldukan na ng RRQ Hoshi sa Aura Fire ang kanilang pagdurusa sa MPL ID S10